“Liza, bangon na dyan!” Agad akong napabangon sa aking kama ng marinig ko ang sigaw ng nanay ko. Sa pagkakasigaw nya ay aakalain mo na may malaking aksidente ang nangyari. Pagbaling ko ng tingin sa kanya ay sumalubong ang napakagandang mga ngiti nya sa akin. Nilapitan nya ako at saka hinagod ang aking buhok. “Nasa sala na ang boyfriend mo. Ang aga ha?” pang-aasar sa akin ni Mama Parang nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi ni Mama. Kailangan ko na palang masanay. Boyfriend ko na nga pala si Sir Brent, Ooops! Si Brent? Napabuntong hininga ako. Ano ba ang itatawag ko sa kanya? Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa kanya eh. “Mama, ang aga din ng pang-aasar nyo.” Wika ko kay Mama Naupo sya sa harap ko habang hindi pa rin nawawala ang mga ngiti nya sa labi. “Natutuwa lang a

