Maganda ang mga ngiti sa akin ni Brent. Lumapit ako sa table nya at naupo sa silya na nasa harapan nya.
"Is there a problem?" He asked
Napalunok ako sa tanong nya. Hindi ko kasi alam kung paano sisimulan. Gusto ko lang malaman kung bakit natanggal si Roy.
Pero nilakasan ko na lang ang loob ko.
"B-Bakit natanggal sa trabaho si Roy. He was your best employee in the past five years?" Tanong ko.
Napasandal sya sa kanyang upuan. Ipinatong nya ang magkabilang siko sa chair handle at prenteng tumingin sa mga mata ko.
"Dahil binastos ka nya!" Sagot ni Brent
Nasaksihan ko din ang pagbabago sa mga mata nya. Puno na naman ng galit. May panggigigil sa mga panga nya.
Tama nga ang nasa isip ko. Natanggal si Roy nang dahil sa akin.
"I've heard a lot of things about his attitude. Pero wala namang nagrereklamo. Kaya nagbulagbulagan ako dahil kailangan ko sya sa kumpanya ko. Pero nung nasaksihan kong hinawakan ka nya, hindi ko palalampasin yun!" Dagdag pa nya
Tumayo sya at niluwagan ang necktie na suot nya. He gently massage his temple.
"I won't let anyone touch you! Kahit dulo ng daliri mo ay hindi nila pwedeng hawakan." Nakakatakot na sabi nya.
Bigla akong kinabahan sa mga sinabi nya. Alam kong labis ang pag-aalaga nya sa akin kahit nanliligaw pa lang sya. Pero hindi ba't sobra naman yata ang ipinapakita nya?
Pero wala naman akong magagawa. Sobrang powerful nya.
I just nodded my head. Magkahawak ang mga kamay ko habang kausap ko sya. Pinisil pisil ko ang mga ito dahil kinakabahan ako sa pag-uusap naming ito.
"Okay Sir. Thank you. I will go back to my table." Mahinang sabi ko.
Pero bago pa ako makaalis ay naglakad syang papunta sa akin.
Mas dumoble tuloy ang kaba ko dahil nasa harapan ko na sya. Para syang makisig na Prinsepe na handa akong ipagtanggol.
Bigla na lang nya ako niyakap. Ramdam ko ang bawat t***k ng puso nya. Ramdam ko ang mainit na yakap nya sa akin.
"Ayoko nang may ibang humahawak sayo. Please. Baka kung ano pa ang magawa ko. Kaya mas mabuti nang tanggalin ko na sya sa kumpanya ko." Bulong nya sa akin
Napakagat labi ako sa mga sinasabi nya. Pero may bahagi naman ng puso ko na napapangiti dahil nararamdaman ko na ligtas ako kapag nariyan sya sa tabi ko.
***
Pag-uwe namin galing sa trabaho ay inihatid nya akong muli sa bahay.
Pinatuloy ko sya sa bahay namin para makabonding pa nyang mabuti ang pamilya ko. Naroon ang lahat maliban kay Kuya Jordan na night shift ang trabaho at si Mama na pauwe pa lang marahil, galing sa Ukay ukay shop nya.
Tuwang tuwa ang pamilya ko sa mga pasalubong na dala ni Brent para sa kanila.
"Ayos to Bayaw ah! Alam na alam mo talaga ang size ko! Salamat" Biro ni Kuya Leighton habang sinusukat ang T-shirt na bigay ni Brent.
Nahiya naman ako sa pagtawag ni Kuya kay Sir ng "bayaw". Masyado pang maaga para sabihin iyon.
"Wow! Ito yung gusto kong shoulder bag eh. Thank you Kuya Brent!" Bulalas naman ng kapatid kong bunso na si Kate
At syempre hindi rin nawalan ng regalo sila Mama at Papa at dalawa ko pang kapatid na lalaki.
"Brent, sobra sobra na ang ibinibigay mo sa amin. Salamat." Sabi ko.
"Pamilya ko na rin sila di ba? Masaya akong nareregaluhan sila. Pagbigyan mo na ako." Sabi nya.
May maliliit na tawa kaming nalikha. Para syang bata nang sabihin nya iyon.
Habang nanonood kami ng t.v ay naagaw ang atensyon namin sa isang balita patungkol sa pinaghahanap ng mga pulis na grupo ng mga tiwali. Ang BuLeAg Gang.
"NAGSIMULA NA NAMANG UMATAKE ANG BULEAG GANG NA PINAMUMUNUAN NG LIDER NILANG SI BUWITRE, LEON AT AGILA. ANG ANAK NG ISANG CHINESE BUSINESSMAN AY KANILANG DINUKOT KAHAPON NG HAPON HABANG PAUWE ITO GALING SA ESKWELA.."
Hindi pa natatapos ang balita ay nilipat na ni papa sa ibang channel ang t.v.
"Nakakainis lang yang balita na yan. Yang Bulaeg gang na yan. Ang dami na nilang naperwisyo. Mayaman, mahirap walang pinipili. Kaya ikaw Brent mag-iingat ka. Mayayaman ang pinupuntirya nila." Sabi ni papa
Tumango lang si Brent kay Papa.
"Actually, nabiktima din ng grupo na yan yung isa sa mga business partner ko. Kinidnap nila ang asawa at anak nya. Nagbayad sila ng ransom na Ten billion pesos per head." Pagbubulgar nya.
"OMG! Grabe! Ang sama ng grupo na yan! Buti na lang at hindi tayo mayaman. Walang kikidnap sakin!" Sabat naman ni kate
Nakaramdam naman ako ng pag-aalala para sa buhay ni Brent. Para sa pamilya nya. Dahil ang target ng grupong yan ay ang mga mayayamang pamilya.
Sobrang yaman pa naman nya. At baka isa na sya sa target ng grupo. Hindi ko alam pero sobrang natatakot ako para sa kaligtasan nya.
"Paano ka? Paano ang pamilya mo? Pinaghahandaan mo ba ang grupo na yan? Mag-iingat ka." Sabi ko
Ngumiti sa akin si Brent.
"Yes! Nag-iingat ako. Saka wala naman akong pamilya. Mag-isa na lang ako sa buhay. If ever sigurong magkapamilya ako ay baka yun ang maging target nila. Pero syempre, I won't allow them to ruin our family. I will protect you and our future children." Sabi nya.
Nakampante ako sa mga sinabi nya. At medyo kinilig din sa parteng iingatan nya ako at ang pamilyang mabubuo namin sa future. Ako talaga ang nakikita nyang kasama sa future nya? Hindi na ba magbabago ang isip nya?
Pero nalungkot din ang puso ko nang malaman kong wala na syang pamilya. Kahit pala nasa kanya na ang lahat ay mayroon pa ding kulang sa pagkatao nya. Wala syang pamilya at sobrang lungkot nun para sa akin.
Maya maya lang ay narinig naming sumisigaw at umiiyak si Mama Emz.
Lahat kami ay napatayo at agad syang sinalubong.
Nanginginig ang buong katawan nya nang pumasok sa loob ng bahay namin.
"Ma! Anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong ni Kuya Leighton
Agad akong kumuha ng tubig sa ref. Nagmamadali kong ibinigay ito kay Mama.
"Mama, kalma lang. Please. Natataranta din kami." Sabi naman ni Migz
"Ma, ano ba? Kinakabahan ako sayo eh!" Si Kate
Si papa naman ay niyakap si mama at pinainom pa ng tubig. Pinakalma nya ang mama namin.
Nanginginig pa rin ang mama namin. Umiiyak pa rin sya.
"N-Nabudol budol ako! Nakuhang lahat ang pera na kinita ko ng isang buong linggo." Iyak ni mama
Agad na lumapit si Kuya Leighton.
"Pero hindi ka ba nila sinaktan? Ayos lang kuhain nila ang lahat ng pera wag ka lang sasaktan!" Sabi ni Kuya
Pero parang nanlumo pa rin ang mama namin sa nangyari sa kanya.
"Inipon ko yun eh. Para sana sa nalalapit na birthday ni Kate. Wala na." Iyak pa ni mama
Nakita kong umiyak na din si Kate nang malaman ang sinabi ni Mama.
"Ayos lang ma, basta maayos ang lagay mo!" Sabi nya
Lumapit si Brent at napamulsa.
"Kailangan natin ireport yan sa pulis. Sasamahan ko kayo." Sabi nya
Lahat kami ay sumang-ayon sa sinabi ni Brent, kailangan talagang maireport ang nangyari kay Mama.
Agad na kaming sumakay sa kotse ni Brent at nagtungo sa pinakamalapit na police station.
"Ano ho bang nangyari sa inyo Misis? Ikwento nyong mabuti." Sabi ng pulis na nakausap namin.
Hanggang ngayon ay bakas pa rin kay Mama ang takot at panginginig sa katawan nya.
"May lumapit kasi sa akin na dalawang babae. Humihingi ng tulong. Nasa ospital daw ang nanay nila. Pero bigla na lang nila akong sinakay sa kotse.." pagkukwento ni Mama
Base sa kwento ni mama ay sobrang professional ng mga gumagawa nito. Hindi ko mawari kung may puso pa ba ang mga taong ito? Nagagawa nilang manggulang, magnakaw at manakit ng tao para lang sa pera?
Siguro ay sinusunog na ang mga kaluluwa nila sa impyerno.
Nang matapos ang pagrereport namin sa pulis ay bagsak balikat na naglakad si Mama. Parang wala sya sa sarili. Marahil ay natrauma at nanghinayang sa perang nawala sa kanya.
Sumakay muli kami sa sasakyan ni Brent at mula nga nun ay naging tulala na si Mama. Nakamasid na lang sya sa may bintana ng sasakyan.
"Don't worry Tita, magkano ba ang nawala?" Tanong ni Brent.
Napalingon si Mama kay Brent. Malungkot pa din ang mga mata nya.
"T-Twenty thousand Brent eh" mahinang sagot ni Mama.
Kumuha ng cheke si Brent at sinulatan nya ito.
Pinirmahan.
Inabot nya kay Mama ang cheke.
Nagulat ako sa ginawa ni Brent.
Nang makita ko ang nakasulat sa cheke.
"Fifty thousand pesos!" Napasigaw ako.
Agad kong nilingon si Brent. Halos bumilog pa ang mga mata ko sa nakita ko.
"Sobrang laki naman nito Brent!" Sabi ko
Hinimas ni Brent ang pisngi ko at parang pinapakalma nya ako. Hindi kasi ako makapaniwala sa ginawa nya.
Agad nya ring nilingon si Mama na halos lumuwa ang mata sa hawak nyang cheke.
"Yung ibang pera pwedeng nyo pong gamitin sa negosyo. Sa inyo na po yan Tita." Sabi pa ni Brent.
Pero napailing ako.
"Babayaran ko yan Brent. Kahit hulugan." Nahihiya kong sabi
Hinawakan ni Brent ang mga kamay ko at pinisil ito.
"Wala naman akong hinihinging kabayaran. Gusto ko lang makatulong." Sabi nya
Naiyak lalo si Mama sa mga sinabi ni Brent. Maging sya ay hindi makapaniwala sa mabuting puso ni Brent.
Pero nahihiya pa rin talaga ako sa lahat ng ginagawa nya sa akin at sa pamilya ko. Pero unti unti ay parang nagugustuhan ko na sya.
Nagugustuhan ko ang pagkatao nya. Hindi dahil sobrang yaman nya, kundi dahil sa lahat ng mga mabubuting pinapakita nya. At nararamdaman ko kung gaano ako kahalaga sa kanya.
Ilang buwan pa ang lumipas ay nalaman na rin ng ibang mga empleyado ang tungkol sa panliligaw sa akin ni Brent. Nasaksihan nila ang lahat ng effort na pinapakita sa akin ng boss namin.
Pero mas lalo naman naging mainit sa akin si Kath. Mas lalo syang nainis sa akin. Ang sabi ni Carol ay matagal na daw na may gusto si Kath kay Brent pero hindi daw sya pinatulan nito. Kaya pala ganun na lang ang galit nya sa akin. Parang isusumpa nya ako. Pero hinayaan ko na lang ang lahat ng pagmamataray nya sa akin. Alam kong balang araw ay mapapagod din sya sa lahat ng ginagawa nya sa akin.
At nang magkaroon kami ng dinner date ni Brent isang gabi ay handa na akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
Parang normal na date lang ang gabing ito. Pinalilibutan kami ng mga makikinang na ilaw. May magandang musika sa aming paligid.
Napakaromantiko ng gabi. Bagay na bagay para sa ibabalita ko sa kanya.
"Did you like their steak? It's good." Sabi nya.
Ngumiti lang ako sa kanya at sabay kaming kumain sa ilalim ng bilog na buwan.
Habang tumutugtog ang musika ay..
"Brent" pagtawag ko sa kanya
Napatingin sya sa akin. Nakita ko ang pagkislap ng mga mata nya. Para bang may mga tanong sa mata nya kung ano bang sasabihin ko sa kanya.
Halos malunod ang puso ko sa lakas ng t***k nito . Kinakabahan ako. Natatakot ako sa magiging reaksyon nya.
"Brent, sinasagot na kita" mabilis kong sinabi.
Napapikit ang isang mata ko. Parang ayokong makita ang reaksyon nya.
Pero nasilayan ko ang pagbilog ng bibig nya, at ang pinaka nakakaantig ng puso ay nasilayan ko ang pagtulo ng luha sa mga mata nya. Para saan ang luha na iyon?
Agad syang tumayo sa silya at marahan nya akong hinatak.
Pinagdikit nya ang mga noo namin.
Nararamdaman ko ang bawat paghinga nya.
Nasilayan ko ang napakaganda nyang mga mata. Pero hindi pa din tumitigil ang pag-agos ng luha nya.
Pinunasan ko ang mga luhang iyon.
Kinabig nya ang beywang ko palapit pa sa kanya. Sumayaw kami sa saliw ng napakalambing na musika.
Dinama ko ang init ng katawan nya.
At maya maya lang ay naramdaman kong naglapat ang mga labi namin.
Nagulat ako!
Ito ang unang beses na makakatikim ako ng isang halik. Ito ang unang beses na maramdaman kong may labing nakapatong sa labi ko.
Mainit, malambot at puno ng pagmamahal ang labing iyon.
Marahan nya akong hinahalikan. Nararamdaman ko ang paggapang ng dila nya sa loob ng bibig ko. Ganito pala ang halik?
Hindi ko alam ang itutugon ko, basta kinopya ko lang ang bawat galaw ng labi nya. Matinding kyryente ang ibinigay nito sa katawan ko.
Ilang saglit lang..
"I love you.." bulong nya
"I love you too.." sagot ko
Isang napakatamis na halik sa noo ang ginawad nya sa akin.
Ito ang araw na naging opisyal na kaming magkasintahan.
Naramdaman ng puso ko kung gaano sya kahalaga sa buhay ko.
Mahal ko si Brent. Kaya hindi ko na pinatagal pa ang panliligaw nya sa akin.
Hinding hindi ako magsisisi sa pagpili sa kanya.