Chapter 6

2211 Words
“I am the H. R Manager of the company Sir, I’m just doing my job. She doesn’t have a medical certificate so she can’t report on duty without the certificate!” matapang na sabi Ms. Reyes Pero nakita namin ang magkasalubong na kilay ni Sir Brent. Yung puso ko sobrang lakas ng dagundong.  Sobrang nakakatakot sya! “Yes! You can implement those policy to other employees, except for her! From now on, treat her like the owner of this company.  Kahit ilang lingo syang absent, or kahit anong oras nya gusto pumasok ay wala na kayong pakialam. Do you understand?” sabi ni Brent Gusto ko na lang lumubog sa ilalim ng mundo sa mga sinabing rebelasyon ni Sir. At si Ms. Reyes ay hindi mawari ang naging reaksyon sa mga narinig. May pagtataka din sa mga mukha ng lahat ng tao sa loob ng H.R Department. Napayuko ako, dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa panliligaw ni Brent. Ayoko sanang malaman ng iba ang tungkol dito. Pero paano? Si Brent na mismo ang nagbubulgar ng lahat. At tungkol sa sinabi nyang itrato ako bilang owner ng company? Isang malaking kabaliwan ang lahat ng iyon. “Do you understand??”  sigaw pa ulit ni Brent sa H.R manager na si Ms. Reyes. Napaigtad si Ms. Reyes sa sigaw ni Brent. Nakita ko ang panginginig ng katawan nya at napatingin sya sa aming Boss. Sinulyapan din nya ako na para bang may konting inis sya para sa akin. “Y-yes Sir.” Sagot nya  Nagulat na lang ako nang hawakan ni Brent ang kamay ko at hatakin na akong palabas ng H.R office. Lahat sila ay nakatingin sa amin at sa kamay naming magkahawak. Lahat sila ay may mga katanungan sa isip kung anu ba ang namamagitan sa amin ni Sir Brent. Pagpasok muli namin ng kanyang opisina ay tahimik ang lahat. Alam kong may mumunti pa rin silang sulyap sa amin. Hinatid muli ako ni Brent sa aking lamesa. Napansin ko agad ang isang tumbler na nakapatong sa lamesa ko. Kanino kaya iyon? Baka naligaw lang sa lamesa ko. Naupo ako sa silya ko habang nakatayo lang sa harapan ko si Brent. Hindi ako makagalaw o makatitig sa kanya ng maayos. Lalo pa at alam kong may mga nakamasid din sa amin. “Drink your water. Mamaya papaalalahanan ulit kita.” Sabi nya Inabot nya sa akin ang tumbler na nasa ibabaw ng mesa ko. Para naman akong bata. Talagang binabantayan nya ako? Nagbigay pa talaga sya ng tumbler ko? Oh my god, talagang mapapaisip na ang lahat kung ano ba ang nangyayari sa amin. Bumalik na si Brent sa opisina nya at naiwan akong tulala habang hawak ang tumbler na bigay nya. “Inumin mo na yan siz, baka magalit pa ang dragon.” Biglang sabi ni Carol. Napangiwi lang ako sa kanya at maya maya ay ininom ko rin naman ang tubig sa tumbler. Hindi talaga ako palainom ng tubig kaya si Brent na siguro ang laging magpapaalala sa akin mula ngayon. “Siz, anong meron? Pwede kang magkwento sa akin. Kung di mo naman feel okay lang din.” Sabi pa ni Carol Napatingin ako kay Carol habang busy sya sa pagsusulat sa columnar. “Wala naman. Sinabi nyo ba sa kanya na nasa H.R office ako? Bigla na lang kasi syang sumulpot doon.” Tanong ko Tumingin tingin sa paligid si Carol at parang may lihim na sasabihin sa akin. “Paglabas nya kasi kanina, may dala na syang tumbler, hinanap ka nya. Pero walang nagsasalita sa amin. Hanggang sa hindi na nakatiis si Kath at sya ang nagsabi na nasa H.R office ka nga daw. Ginatungan pa nya si Sir na baka pinauwe ka ng H.R dahil wala kang dalang med cert. Ayun! Sumugod ang dragon sa H.R.” bulong ni Carol  Halos malaglag ang panga ko sa mga nangyari ngayon. Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap lang ay mag-iiba ang buhay ko sa kumpanyang ito. “Ay, wag mo akong isusumbong na dragon ang tawag ko sa kanya ha. Please.” pagmamakaawa ni Carol Tumango at ngumiti lang ako sa kanya. “Oo promise hindi ko sasabihin” sabi ko Mas malaking ngiti ang binigay sa akin ni Carol. Lumapit pa sya sa akin at kunwari’y may inaayos na folder sa mesa ko. “Ano? kayo na ba ni Sir Brent?” mapang-usisang tanong ni Carol Umiling ako sa kanya at parang namula ang pisngi ko sa mga tanong nya. Tumingin ulit sya sa paligid at yumuko sya para mas madinig ko ang sasabihin nya. “Nanliligaw sya?” parang kinikiliig na tanong ni Carol Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako umamin kay Carol. Napatango ako at nahiya pa rin sa kanya. Wala naman sigurong masama. At sa tingin ko ay balang araw malalaman din nila ang lahat. Nakita kong kilig na kilig si Carol at may maliliit syang hampas sa akin. “Ay sorry naman, natuwa lang ako. Ang haba ng hair mo kasi. Sige mamaya na tayo magchikahan pag lunch time na.” sabi nya Bumalik na sya sa table nya at nagsimula na kaming magtrabaho. Naging abala ako kaharap ang computer, halos hindi ko na namamalayan ang oras. Si Brent naman ay panay ang tawag sa akin sa telepono para ipaalala na dapat akong uminom ng tubig. “Opo, iinom na po ako. Salamat po” halos pabulong na sabi ko sa telepono Napatingin ako sa opisina nya, tanaw kasi sya mula sa kinauupuan ko dahil sa glass wall lang ang pagitan naming dalawa. Napangiti ako dahil nakita ko syang nakatingin na sa akin habang kausap ako. May kakaiba sa mga mata nya. Para bang sobrang saya lang nya ngayon. Pati tuloy ako ay nahahawa at parating masaya na rin ang puso ko. Ibinaba ko na ang telepono at muli akong bumalik sa aking trabaho. Napansin ko si Kath na nakaismid sa akin. Hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa aking trabaho. Maya maya lang ay lumapit sa akin si Roy. Yung isa sa Marketing staff. Gwapo sya pero medyo may pagkamaangas o mayabang. Ayokong manghusga pero iyon ang nakikita ko sa kanya. “Hi, Ms. Liza. Lunch time na. Sabay na tayo?” tanong nya na may mapang-akit na ngiti sa akin Ikinagulat ko ang paglapit nya sa akin dahil para bang sobrang tagal na naming magkakilala sa paraan ng pakikipag-usap nya. “Okay lang, kasabay ko na si Carol” sabi ko Kinuha pa nya ang kamay ko at hinalikan nya ito. Sobrang presko at bastos nya. Pero agad ko din inalis ang kamay ko na hawak nya dahil naiilang ako sa kanya. “Hoy! Roy! Tigilan mo si bebe Liza ha, yang kamanyakan mo hindi uubra sa kanya!” bulyaw ni Carol sa kanya. Napakamot ng ulo si Roy at hindi pa rin nya inaalis ang titig nya sa akin. “Huwag mo naman akong ibuko sa harapan ng mahal ko.” sabi ni Roy Malagkit syang tumitig sa akin. Pero hindi ko sya makuhang tignan dahil naiilang ako sa kanya. “Hindi ka  naman siguro girlfriend ni Mr. President?” tanong nya Namilog ang mga mata ko at napailing ako sa kanya. Hindi naman talaga ako girlfriend ni Brent, marahil ay hindi pa? Naku? Anu ba itong naiisip ko? “Yown! So pwede akong manligaw!” sabi nya Mas lalo akong kinabahan sa mga ikinikilos nya. Hindi ko gusto ang pagkatao nya, lalo pa at kilala itong chickboy. Parang si kuya Leighton kaya nakakatakot sya! Hinawakan pa nyang muli ang mga kamay ko at hinatak nya ako ng malakas. Muntikan na akong madapa sa ginawa nya. "Roy, anu ba?" Sabi ko Pero nagulat kaming lahat ng bigla na lamang sumulpot si Brent sa harapan namin. Gaya ng mukha nya kanina sa H. R office ay ganun din ang naging awra nya ngayon. Galit sya at mukhang dragon na bubuga ng apoy. Nakita ko ang paggalaw ng mga panga nya at pagkuyom ng kamao nya. Ramdam ko ang galit nya. Pero ano na naman ang dahilan? “Bitawan mo sya! Sa akin sasabay si Liza.” utos nya Agad na umurong si Roy at parang maamong tupang nagpaubaya kay Sir Brent. Nawala ang yabang at angas nya ng pagsabihan sya ng boss namin. “Let’s Go!” sabi ni Brent Inabot ni Brent ang mga kamay nya sa akin. Napatingin ako sa paligid at lahat sila ay nakatingin na naman sa amin. Partikular sa kamay ni Sir Brent na pilit akong inaabot. Wala naman akong magagawa kundi sundin lahat ang utos ng boss ko. Marahan kong hinawakan ang kamay nya, at madiin naman nyang hinawakan ang mga palad ko nang magtama ang mga ito. Sabay kaming lumabas ng opisina ng magkahawak ang mga kamay. Iniwanan namin ang ibang empleyado na may katanungan pa rin sa mga isip nila. Maging si Carol na syang kasabay ko sanang maglunch ay nakamasid na lamang sa amin habang paalis kami ng opisina. Nakarating kami ng parking lot na magkahawak pa rin ang kamay. Sa parking lot ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Wala na kasi ang mga matang mapanghusga sa lugar na iyon. "Saan tayo pupunta? Di ba sa Cafeteria lang tayo?" Tanong ko Ngumisi lang sa akin ang boss ko. Parang nakakaloko, puro ngiti lang ang ibinibigay nya sa akin. Yung puso ko tuloy ay parang natutunaw sa kilig. "Sa isang restaurant tayo kakain. Gusto kong maging special ang araw na ito dahil kasama kitang kakain ng lunch. At mapapadalas na ito." Sabi nya Hinawakan nya ang likod ko at unti unti akong napalapit sa katawan nya. Dalawang beses akong napalunok at parang hindi ko kakayanin ang pagdagundong ng puso ko. Bakit ba parang nagugustuhan ko ang bawat hawak nya sa akin. Ang bawat tingin, ngiti at pag-aalaga nya sa akin ay nakakapagdulot ng matinding kilig sa buong sistema ko. Binigyan nya ako ng isang matamis na halik sa noo. At sa unang pagkakataon ay may lalaking humalik sa noo ko. Para akong nakuryente nang dumampi ang labi nya sa noo ko. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang kabigin pa nyang palapit sa kanya ang likod ko. "I like you. I really do." Bulong nya Nanatili kami sa ganung pwesto at hindi mawari ng puso ko kung saan pa ilalagay ang kilig na nararamdaman ko. Pinagbuksan na nya ako ng kotse, inalalayang makaupo at sinuutan nya ako ng seatbelt. Hindi pa rin ako mapakali at hindi pa rin ako makagalaw sa lahat ng ginawa nya. Binuhay nya ang makina at kung saan ang punta namin ay hindi ko alam. Basta ang sabi nya ay sa restaurant daw kami kakain. Lagi na lang ba kami kakain sa restaurant kapag lunch time? Napakagastos naman. Ipinarada nya ang kanyang sasakyan sa isang European restaurant. Sa labas pa lang ng restaurant na ito ay makikita na ang pagkaelegante ng lugar. Alam kong mamahalin ang mga pagkain nila dito. Gusto ko na sanang umurong pero mapilit si Brent. Bakas ko sa mukha nya ang kagustuhang dito kumain ngayon. "Good afternoon Mr. Razon. This way please!" Bumungad agad sa amin ang manager ng restaurant. Alam kong kilala nila si Brent at tinuturing nila itong special guest dahil sa paraan ng pakikitungo nila dito. Madalas siguro dito si Brent kaya kilalang kilala na sya ng lahat ng staff doon. Dinala kami ng manager  sa isang exclusive na silid. Pagbukas ng pinto ay bumungad ang napakagandang musika na pinapatugtog ng kanilang musicians. Sa gitna ng silid ay may naka-set up na table at dalawang silya. Puno rin ng mga petals at balloons ang sahig na nangingibabaw ang kulay pink at red. Sigurado ba syang sa ganito kami kakain ng simpleng lunch? Pakiramdam ko ay may aattendan akong birthday party sa sobrang bongga nito. Naupo na kami ni Brent. "Do you like it?" Tanong nya Pinasadahan ko pa ng tingin ang buong kwarto. Inupahan pa nya ang silid na ito para lang sa lunch date namin? Oh? Date na ba ito? God! "Yes. Nagustuhan ko Brent. Pero hindi ba sobra naman yata ito?" Tanong ko Seryoso syang tumingin sa akin. "Kulang pa nga ang lahat ng ito for my special girl." Sabi nya Hindi ko na napigilan pa ang ngumiti. Sobra sobra kung magpakilig si Brent. Mistulang nasa isang panaginip pa rin ang lahat ng nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko pa rin maintindihan ang puso ko? Hindi ko pa rin masagot ang tanong kung may puwang ba si Brent sa puso ko? Kinaumagahan ay sabay pa rin kami ni Brent pumasok. Hindi pa rin sya nabibigong ihatid sundo ako sa opisina. Pumasok na si Brent sa opisina nya at gaya ng dati ay lagi nyang pinapaalala sa akin na uminom ng tubig. Pero pag-upo ko pa lang sa silya ko ay ibinalita sa akin ni Carol ang pagkakatanggal ni Roy sa trabaho. Hindi nila alam ang dahilan. Bigla na lamang daw syang pinadalhan ng letter ng H.R. Parang bigla akong kinabahan sa balitang iyon. Malakas ang kutob ko na baka kaya natanggal si Roy ay dahil nagselos si Brent? Huwag naman sana! Sana ay mali ang naiisip ko. Sobrang powerful ni Brent kung kaya't kayang kaya nya talagang magtanggal ng tao. Pero kung selos ang puno't dulo ay hindi naman magandang dahilan yun. Agad akong tumayo sa silya ko at matapang akong nagpunta sa kanyang opisina. Bulto bultong kaba ang baon ko papunta sa kanyang opisina. Pero kailangan ko lang malaman kung may kinalaman ba sya sa pagkatanggal ni Roy sa trabaho. Huminga ako ng malalim at marahang kumatok sa kanyang opisina. "Come in!" Narinig kong sabi nya Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakatutok sya sa kanyang laptop, pero nang makita nya ako ay nasilayan kong muli ang magandang ngiti nya sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD