Chapter 5

2256 Words
Dinala nga ako ni Sir Brent sa pinakamalapit na ospital. Kasama namin si Mama at labis ang pag-aalala nya para sa akin. Binigyan ako ng ibat ibang klase ng laboratory test para matukoy ang sanhi ng lagnat ko. After ng isang oras ay madali namang lumabas ang resulta. "Ms. Park, lumabas sa urine test mo na may UTI ka, kaya ka nilalagnat. Reresetahan na lang kita ng antibiotics para dito." Sabi ni Doc Benjie Montes Alam kong iba ang tingin sa akin ni Doc mula pa kanina kaya naiilang ako sa kanya. Sa tingin ko ay nasa mid 30's pa lang sya at mula nang dumating kami ng ospital ay may kakaiba na sa mga tingin nya at mga ngiti nya sa akin. "Ang ganda mo naman Ms. Park. Parang kamukha mo yung mga bida sa korean novela." Sabi nya habang isinusulat ang mga gamot sa resetang ibibigay nya Napayuko ako. Hindi ako sanay na pinupuri ng ibang tao. Ito ang pinaka ayoko sa lahat, ang napapansin ako. Hindi ako mapakali. "Koreano kasi talaga ang tatay nya Doc!" Sabi ni mama "Ah kaya pala Mam eh. Napakaswerte nyo at nagkaroon kayo ng napakagandang anak na kagaya nya." Sabi pa ni Doc Benjie sabay kindat sa akin. Mas lalo akong nagulat sa ginawa nyang pagkindat, parang hindi sya doctor kung kumilos. Ganito ba talaga sya sa lahat ng pasyente nya. Maya maya lang ay biglang lumapit sa amin si Sir Brent, pero this time, nakikita ko ang totoong boss ko sa mukha nya. Yung awra nya kapag may pinapagalitan syang empleyado. Parang galit na galit sya. Naiinip na ba sya? Sabi ko naman kasi na huwag na nya akong dalhin sa ospital, naabala pa tuloy sya. "Excuse me? Your job is to prescribe the right medication, hindi yung binobola mo ang mga pasyente! Can I have the prescription now?" Galit na sabi ni Sir Brent. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya at para bang may galit sya sa doctor na nasa harapan namin. Nagtitigan sila ng masama. Natakot ako sa mga susunod na mangyayari. Nararamdaman ko ang matinding tensyon sa pagitan nilang dalawa. Buti na lang at may lumapit na nurse kay Doc Benjie. "Doc, pinapatawag po kayo sa taas!" Sabi ng nurse. Nakita kong inabot ni Doc ang reseta kay Sir Brent at tumitig pa ulit ng masama bago tuluyan kaming iniwan. Pagkaalis ni Doc Benjie ay agad na nag-iba ang awra ni Sir Brent. Bumalik ulit ang maamo nyang mukha at magandang ngiti sa akin. "Bibilhin ko ang mga gamot na ito at inumin mo agad para mawala na yang lagnat mo okay?" Sabi nya Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. "Naku! Maraming salamat talaga Sir, buti na lang at nariyan kayo. Akala ko kung ano na ang sakit ng anak ko eh!" Sabi ni mama "Tita, just call me Brent okay? Magagalit ako kapag Sir pa rin ang tawag nyo sa akin."sabi ni Sir Brent "Ay, sorry naman Brent, naiilang pa rin kasi ako, ikaw kasi ang boss ng anak ko. Mataas na tao po kayo!" Si mama na parang nahihiya pa rin. Ngumiti pa si Brent sa amin at sinulyapan nya ako bago muling nagsalita. "Soon, I will be her boyfriend! At madalas nyo na akong makikita sa bahay nyo!" Biro ni Sir Brent Narinig ko ang tawanan ni mama at ni Sir Brent. Napangiwi na lang ako sa mga sinabi ni Sir, para tuloy wala na akong kawala at dapat ay sagutin ko sya talaga. Wala na akong choice ganun? Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin ang panliligaw nya at ngayon pa lang ay kinakabahan na ako. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa opisina. Tiyak na pag-uusapan na naman nila ako. Bumalik na kami sa bahay pagkatapos naming bilhin ang mga gamot. Nanatili pa rin si Sir Brent sa aming bahay dahil naudlot ang lunch namin kanina. Ininit muli ni mama ang mga pagkain at sabay kami nila mama at Sir Brent na kumain. Habang ang iba kong mga kapatid ay may kanya kanyang pwesto sa may sala. Si papa naman ay namasada na ng tricycle nya. Gaya ng ginawa kanina ni Sir ay pinagsandukan nya ako ng pagkain. Para bang alagang alaga nya ako. Hinayaan ko na lang sya dahil baka magalit pa sya sa akin. "Dapat lagi kang umiinom ng tubig, to reduce the risk of bladder infection. Baka naman lagi mong nakakalimutang uminom ng tubig?" Sabi pa ni Sir Napakagat labi ako. Guilty ako sa mga sinasabi nya. Umiinom lang kasi ako ng tubig kapag nauuhaw ako. Hindi ko talaga nakaugaliang uminom ng tubig. "Okay po boss." Biro ko Nasilayan ko yung napakagandang ngiti nya. Malayong malayo sa Brent Razon na kinatatakutan ng lahat. Sya yung Brent na inaalagaan ako. Yung Brent na laging iniisip ang ikakabuti ko. Pagkatapos naming kumain ay inihanda na nya ang gamot na iinumin ko. "May meeting ka ngayon Sir di ba?" Tanong ko habang nakaupo pa rin kami sa may kusina. Nagsalubong ang dalawang kilay nya sa akin. Oh.. nakalimutan ko! Napahawak ako sa noo ko. Huminga ako ng malalim. "Ah.. Brent may meeting ka ngayon di ba?" Pag-ulit ko Bahagyang ngumiti si Brent sa sinabi ko. "I like it!" Sabi nya Natawa naman ako sa sagot nya. Nagustuhan nya ang pagtawag ko sa kanya ng walang galang? Walang Sir? "Loko ka talaga Si.. Ah B-Brent!" Sabi ko. Unti unting gumagaan ang loob ko sa kanya. Unti unti ay nakikita ko ang mabuting kalooban nya. "Pina-resched ko na lang ang meeting sa susunod na araw. Mas importante ang ipinunta ko ngayon." Sabi nya Biglang nag-init ang pisngi ko sa mga sinabi nya. Nakatitig pa sya sa akin habang sinasabi ang mga iyon. Parang may mga kulisap pa na nagrarambulan sa tiyan ko sa tuwing tititigan nya ako. Nagulat na lang ako ng hawakan nya ang mga kamay ko at mas makahulugan pang tumitig sa akin. "I am willing to wait, I don't care how long, but I assure you this is going to be worth it" sabi nya sa akin. I can feel his sincerity while he's saying those words. Ang sarap pakinggan ng mga iyon galing sa kanya. Natulala lang ako at wala man lang naibatong salita sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot. Hindi ko alam kung paano ang magiging reaksyon ko sa bagay na ito. Tanging mga ngiti lang ang naibigay ko sa kanya. Sa ngayon, ay iyon lang ang kaya kong maibigay sa kanya. Maya-maya lang ay nagpaalam na sya sa amin. Masayang masaya ang pamilya ko dahil nakilala nila ang strikto kong boss. "Dalasan mo ang pagdalaw dito kuya ha!" Sabi ni Kate "Yes baby girl, mapapadalas ako dito!" Sagot naman ni Brent. Napailing na lang ako. Napasulyap pa sa akin si Brent habang nasa loob na ng kanyang kotse. "Magfile ka na lang ng leave for three days. You need to take a rest okay." Utos na naman nya sa akin. I just nodded my head and gave him a sweet smile. Nagpaalam na sya sa pamilya ko at pinaandar na nya ang magara nyang kotse. Humingi nga ako ng tatlong araw na leave sa H.R officer namin para makapagpahinga. At sa tatlong araw na iyon ay hindi nakalimot si Brent na dalawin ako. Lagi syang may dalang pasalubong sa buong pamilya. Halos mapuno na ang refrigerator at mga cabinet namin dahil sa mga dala nya. After three days ay maayos na ang pakiramdam ko at makakapasok na muli ako sa trabaho. Habang nag-aayos ako ay pumasok si Mama Emz sa aking kwarto. Nakangiti  sya sa akin. Ano kayang meron at ang laki ng mga ngiti ni Mama. "Naghihintay na si Brent sa baba." Sabi nya. Napaawang ang bibig ko sa mga sinabi ni mama. Hindi ko alam na sabay kaming papasok sa opisina. Hindi pa ako handa. Ano na lang ang sasabihin ng ibang empleyado sa amin? Nagmadali na ako sa pag-aayos at kinuha ko ang shoulder bag ko na nakapatong sa kama ko. Pagbaba ko ay nakita kong nakaupo ang gwapo kong boss sa may sofa. Nakasuot sya ng formal suit at masayang nakikipag-usap kay papa. May isang tasa pa ng kape na nakapatong sa lamesita na nasa harapan nya. Napatingin sila sa akin pagbaba ko ng hagdan. Agad na tumayo si Brent at kinuha ang bag ko. Nakipag-agawan pa ako ng bag sa kanya. Sobra sobra na ang pinapakita nya sa akin. "Let me carry your bag! It's my obligation starting today okay?" Utos na naman nya sa akin. Wala na akong nagawa kundi sundin ang gusto nya. Nakita kong kilig na kilig ang buong pamilya ko sa pinapakita sa akin ni Brent. "Okay. Mauuna na po kami! Salamat po ulit sa masarap na kape." Pagpapaalam ni Brent "Bye mama. Bye papa." Mahina kong sabi dahil naiilang pa rin ako sa sitwasyon namin. Pinagbuksan kami ng driver ni Brent at naupo kami sa likurang bahagi ng sasakyan nya. Hindi talaga ako nananaginip. Mula ngayon ay dapat ko nang sanayin ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Pero kung ayaw ko naman ay maaari ko naman syang pigilan. Maaari ko nang sabihin na huwag na nyang ituloy ang panliligaw. Pero bakit may parte ng puso ko na nagsasabi na ipagpatuloy lang namin ito? Hindi kaya nagugustuhan ko na rin ang boss ko? Napapikit na lang ako. Hindi ko alam. Masyado pang maaga para malaman ko kung gusto ko nga sya talaga. "What's wrong?" Tanong nya Napansin nya yata ang mga ikinikilos ko. Kumurap ako ng dalawang beses at napabuntong hininga. "W-wala naman." Sabi ko. Napatingin ako sa bag ko na kalong nya. Napangiti ako. Ang cute nyang tignan habang hawak nya ang bag ko. Pero para sa akin ay hindi naman nya dapat gawin iyon. Kaya ko naman buhatin ang bag ko. Nang makarating kami sa building ng Razon's Paint ay bigla akong kinabahan. Makikita ng ibang mga empleyado na magkasama kaming dalawa. Bahala na. Pagbaba namin ng kotse ay pilit kong kinukuha ang bag ko sa kanya. "Sir Brent please akin na yung bag ko." Sabi ko. Pero he just shakes his head as a sign of disfavor. Ahh! Brent Razon bakit mo ba ako pinapahirapan. Mas ikinagulat ko pa ang paghawak nya sa kamay ko. Para akong naestatwa dahil ang nasa isip nya ay maglalakad kami ng makahawak kamay? Nababaliw na sya! Nakakahiya! Ayokong pagchismisan na naman ng ibang empleyado. Naramdaman ko ang paghatak nya sa akin. "Let's go." Sabi nya Parang namagnet ang katawan ko at kusa akong sumunod sa kanya. Magkahawak kami ng kamay habang papasok sa loob ng building. Nakayuko lang ako dahil nakatingin na sa amin ang ibang mga empleyado. Partikular sa magkahawak na kamay namin. "Good morning Sir!" Bati ni Kuya Guard Napatingin din sya sa akin at bakas ko ang pagtataka nya sa amin ni Sir Brent. Ano nga ba ang iisipin ng ibang nakakakita sa amin? Magkahawak kami ng kamay at dala pa nya ang bag ko? God. Parang hindi ko na kayang pumasok sa opisina. Nakasakay din ako sa exclusive elavator na para lamang sa kanya. Tinitignan ko lamang sya habang papaakyat na ang elevator na sinasakyan namin. Parang wala lang sa kanya ang lahat. Samantalang ako ay bulto bulto ng kaba ang nararamdaman ko. Pagpasok sa opisina ay nakatingin silang lahat sa amin. Lahat sila ay nagulat sa nasaksihan nilang magkahawak naming mga kamay. Nasilayan ko na naman ang mapaghusgang tingin ni Kath. "Good morning Sir!" Bati nila kay Sir Brent. Dahil hawak nya ang mga kamay ko at bitbit nya ang bag ko ay inihatid nya muna ako sa table ko. Hindi na ako makatingin sa ibang mga empleyado dahil alam ko na ang namumuong kwento sa mga utak nila. Inilapag ni Sir Brent ang bag ko sa table. "Yung bilin ko ha, uminom ka lagi ng tubig. I'll check you from time to time." Sabi nya Narinig ng lahat ang sinabi ni Sir. At bakas pa din ang pagtataka sa mga mukha nila. Agad na umalis si Sir Brent sa tapat ng table ko at pumasok na sa loob ng kanyang opisina. Lahat sila ay may matang mapanghusga pa rin sa akin. "So ano? Kayo na ni Sir?" Mataray na tanong ni Kath sa akin. Umiling ako sa kanya. "Hindi. Hindi kami ni Sir Brent." Sabi ko Lumapit naman si Carla sa akin. Si Carla ay isa sa masasabi kong mabait na empleyado ng kumpanya. "Naku! Kath tigilan mo na nga yang si Liza. Inggit ka lang eh!" Sabi nya Sumimangot sa amin si Kath at nilayasan na lang kami. Ngumiti lang sa akin si Carla. Maya maya ay tumunog ang telepono ko. Agad ko itong sinagot. "Ms. Liza! Where is your Medical Certificate? Hindi ka pwedeng pumasok ng wala iyon! Come to my office now!" Bulyaw ng H.R Officer Kinabahan ako! Nakalimutan ko kasing humingi ng medical certificate. Ano nang gagawin ko? Agad akong nagpunta sa H.R department. Bulto bulto na naman ng kaba ang bitbit ko pagdating ko doon. Nasa harapan na ako ni Ms. Reyes. "Sorry Ma'am, hindi po ako nakahingi ng Medical Certificate." Sabi ko sa kanya habang nakayuko ako at magkalapat ang dalawang kamay ko dahil sa kaba. Nakita kong tumaas ang kilay nya sa akin.  Pinag-ekis nya ang mga braso nya sa kanyang dibdib. Handa na ako sa anumang galit na maririnig ko mula sa kanya. "You can leave now!!!" Sabi nya Nagulat ako sa kanya dahil pinapauwe nya ako. "Bumalik ka na lang kapag may Medical Certificate ka na! Alam mo naman ang policy di ba?" Sabi pa nito. Napatango ako. Tama naman si Ms. Reyes. May policy ang kumpanya na kailangan kong sundin. "Leave!!!" Sigaw pa nya sa akin Napapikit ako nang marinig ko ang sigaw nya. Galit na galit sya sa akin. Maya maya lang.. "Who the hell are you to reprimand her?!" Nagulat kaming lahat at napatingin sa pinanggalingan ng boses. Nakakatakot ang boses na iyon. "S-Sir?" Nanginginig na sabi ni Ms. Reyes. Nagkunot ang noo ko. Anong ginagawa ni Brent dito. At heto na naman ang nakakatakot nyang mukha. Galit na galit na naman sya. Naririnig ko ang bawat hakbang nya. Sobrang bigat ng mga hakbang nya. Pero bakit? Lahat ng tao sa H.R Department ay bakas  ang takot at kaba. Lalong lalo na si Ms. Reyes. Patay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD