Chapter 4

2220 Words
Gumising ako isang araw na sobrang bigat ng pakiramdam ko. Kinapa ko ang aking noo at leeg at alam kong mataas ang aking lagnat. Halos hindi ako makabangon sa aking kama. Nahihilo ako. Umiikot ang paningin ko sa tuwing susubukan kong tumayo. Pilit kong kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa lamesita. Pinilit kong magtipa ng mensahe para sa aming H.R officer na hindi ako makakapasok ngayong araw. Hindi ko talaga kayang magtrabaho ngayon. Muli akong nagtalukbong ng kumot. Ngayon naman ay nakakaramdam ako ng matindig lamig. Halos hinahabol ko na ang paghinga ko. Naramdaman ko ring may pumasok sa aking kwarto. Marahan syang naglakad papunta sa kama ko kung saan ako nakahiga. Hinimas nya ang aking likuran. At nang makapa nya na mainit ako ay.. “Anak! May sakit ka pala?” sigaw ni Mama Nag-alala sya ng malaman na may sakit ako. Lumabas muli sya ng kwarto. Hindi ko alam kung saan sya pupunta. Gusto ko lang talagang magpahinga ngayon. Gusto ko lang matulog. Ilang minutong nawala si mama at pagbalik nya ay may dala na syang plangganitang may tubig at malinis na bimpo. Inalis nya ang kumot na nakatalukbong sa akin. Inalalayan nya akong umupo sa aking kama. “Ano ka ba namang bata ka, ano ba ang ginagawa mo sa sarili mo at nagkasakit ka?” parang nanenermon pa si Mama Emz habang pinupunasan nya ang aking mukha ng bimpo na inilublob nya sa tubig. Isinunod nya ring punasan ang aking katawan. Mistula pa rin akong bata sa ginagawa ni mama. Hindi sya nagbago nang pag-aalaga sa akin sa tuwing magkakasakit ako. Sa ginawa ni mama, parang gumagaan ang pakiramdam ko. Pagkatapos nyang mapunasan ang buo kong katawan ay lumabas muli si mama. Ang sarap sa pakiramdam. Mabuti na lang at nariyan si mama sa tuwing kakailanganin ko sya. Maya maya lang ay bumalik si mama na may dala dala nang isang bowl ng mainit na sopas. Pilit akong ngumiti kay mama. “OH heto, kumain ka muna para magkalaman ang tiyan mo, tapos uminom ka ng gamot.” Sabi pa nya. Nakita kong sumandok si mama ng isang kutsarang sopas at saka nya ito marahang hinipan para hindi masyadong mainit. Nang masigurado na hindi na ako mapapaso sa sopas ay agad nya itong itinapat sa aking bibig. Pinagmamasdan ko lang si mama habang ginagawa nya iyon. Naisip ko, na kapag ako ay nag-kaanak din balang araw ay gusto kong tuluran ang pagmamahal ni mama. Hindi sya nagsawang mahalin at alagaan kami. Kahit pa ba matatanda na kami ay nariyan pa rin sya sa aming tabi. Pagkatapos kong uminom ng gamot ay nahiga muli ako. “Salamat mama.” Mahinang sabi ko. Hinimas ni mama ang ulo ko na syang nagpaantok sa akin. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ng mahimbing. Naalimpungatan ako ng marinig ko ang ingay at tawanan sa ibaba. Maiingay na naman ang mga kapatid ko. Naalala ko, na wala palang pasok ngayon ang kapatid kong sina Kate at Migz, marahil ay nagkakatuwaan na naman sila sa ibaba. Medyo mabigat pa din ang pakiramdam ko. Kinuha ko ang aking cellphone para tignan ang oras. Mag-aalas dose na pala ng tanghali, panigurado na tapos nang magluto si mama ng pananghalian. Kung hindi pa ako babangon ay malamang na dalhan na naman ako ni mama ng pagkain dito sa kwarto. Pinilit kong tumayo. Gusto kong sumabay ng pananghalian sa mga kapatid ko Kumuha ako ng  jacket sa cabinet at isinuot ko ito. Nilalamig pa rin ako hanggang ngayon. Marahan akong lumabas ng kwarto . Paglabas ko, ay syang labas din ni Kuya Jordan sa kanyang kwarto. Naalimpungatan din siguro sya sa ingay ng mga kapatid ko. “Ang iingay ng mga shuta!” galit na sabi ni Kuya Jordan Nauna na syang bumaba, habang ako ay marahan lang ang lakad dahil nahihilo pa talaga ako. Habang pababa ng hagdan ay agad akong nakita ng kapatid kong bunso. “Hala si Ate gising na!” sigaw nya Hindi ko sya tinitignan dahil nakahawak ako sa pasamano ng hagdan namin. Nahihilo at nanghihina pa rin ako. Nagulat na lang ako nang may humawak sa mga kamay ko. Nasa harapan ko na sya pero hindi ko sya maaninag. Naramdaman ko lang ang pagpisil nya sa mga kamay ko at inalalayan nya akong bumaba. Si kuya Leighton ba ito? Bakit sobrang blurred ng nakikita ko? Pumikit ako saglit. At nang imulat ko ang mga mata ko ay biglang lumiwanag ang paligid. Napatingin ako sa taong nakahawak sa akin. Pero, parang gusto kong himatayin nang makita ang lalaking umalalay sa akin pababa ng hagdan. Nakasuot sya ng V neck shirt na bakat ang matipuno nyang mga braso at black jogger pants na nagpalabas sa natural nyang kagwapuhan. “Sir Brent?” halos nanginginig na sabi ko sa kanya. Anong ginagawa nya dito? Ang alam ko ay may importante syang meeting ngayon. Pero bakit sya nasa bahay namin? God. Nakakahiya. “Anak, napakabait ng kaibigan mo. Kasundo na nga ng mga kapatid mo eh.” Sabi ni Papa “Ay iba na ang level ng kapatid ko, may taste pagdating sa boylet na kaibigan ha!” biro pa ni Kuya Jordan na nakikita kong kinikilig sa may sulok Huh? Kaibigan? Kaibigan lang ba ang pagpapakilala nya sa pamilya ko? Kung alam lang nila na ang kanina pa nila kakwentuhan ay ang boss ko, ang may-ari ng Razon’s paint. “Pa, sya po ang boss ko. Sya si Sir Brent Razon” sabi ko Lahat sila ay nagulat. Lahat sila ay tumingin kay Sir Brent at para bang hiyang hiya sila sa mga inasal nila kanina habang tulog pa ako. Baka nga binully pa sya ng mga kapatid ko. “Hala! Kaya pala sobrang gara ng kotse mo kuya eh. Ikaw pala yung bilyonaryong may-Ari ng Razon’s paint?” sabi ni Kate “Naku, Sir Sorry hindi namin alam. Hindi ka naman kasi nagpakilala ng maayos. Sabi mo kaibigan mo lang si Liza!” nahihiyang sabi ni Papa Ngumiti lang sa kanila ang gwapo kong boss. Para bang ayos lang naman sa kanya kung pinakitaan sya ng "kabarubalan" ng mga kapatid ko. “It’s okay. Nandito ako sa bahay nyo bilang ang simpleng Brent na kaibigan ni Liza.” Sabi ni Sir Napakamot ako sa aking batok. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ano ba ang dapat gawin kung magpunta sa bahay mo ang boss mo? Sobrang sama pa din ng pakiramdam ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Lumabas si mama mula sa kusina. “Oh! gising na pala si Liza, halika kumain na tayo, nagdala ng makakain ang kaibigan mo eh.” Sabi ni Mama Ang mga kapatid ko ay agad na nilapitan si Mama. “Ma, bigtime yang kaibigan ni ate. Sya lang naman ang boss ni ate Liza. Ang may ari ng kumpanyang pinapasukan nya!” sabi ni Migz. “Kung ako sayo ma, dagdagan mo yung softdrinks na binili mo para sa bisita!” hirit naman ni kuya Leighton. “Hala! Hindi ko alam!" bulalas ni mama Napahilamos ako sa aking mukha. Ang mga kapatid ko talaga, walang kupas sa pagbibiro! Nabaling ang tingin ko sa aming lamesa. Halos malaglag ang mga panga ko ng makita ko ang dinalang mga pagkain ni Brent.  Mistulang may catering sa dami ng mga putahe. May malalaking, lobster, shrimp at crab. May Kalderetang baka at Chicken curry. May barbeque at liempo pa. May fruit basket pa na may nag-uumapaw sa mga masasarap na prutas. At sa dessert, may ice cream, cake at  coffee jelly. Anong meron? Mas madami pa ang nakahain ngayon kesa nung last birthday ko. “Sir sobrang dami naman po nito?” tanong ko habang nangangamot ng noo. Nahihiya kasi ako sa kanya. “It’s okay, para sa inyo ang lahat ng yan.” Sabi nya Parang gusto kong lumubog sa kahihiyan. Hindi ko maimagine na yung boss ko ay nandito ngayon sa bahay ko at may dalang buffet? God. “Inorder lang ni Sir brent ang gusto ng mga kapatid mo. Yung seafood gusto ng Kuya Leighton mo. Yung Kaldereta, alam mo na, favorite ni bunso. Yung Liempo naman at barbeque request ng papa mo at ni Migz. At naalala ko lang yung chicken curry favorite ni Jordan” sabi ni mama “Wow, naalala pa ako ni mother, salamat!” sabi ni kuya Jordan Mas lalo akong napahilamos sa aking mukha. Sila pa pala ang nagrequest ng lahat ng ito kay Sir Brent? “Kuntento na ako sa dessert.” Dagdag pa ni mama Inayos ni mama ang hapag kainan.  Tinulungan ko si mama, inabot ko ang mga plato. Kahit nanghihina ako ay pilit kong inaayos ang hapag. “Ay naku, Liza kahit may sakit ka, talagang tumutulong ka pa din? Maupo ka na dun at baka mabinat ka pa!” utos ni mama sa akin Bumalik ako sa aking upuan, nagulat ako dahil nakaupo sa silya na nasa tabi ko si Brent. So, magkatabi kaming kakain? Ang boss ko? Katabi kong kakain? God.. “Sabi ni Tita, lahat naman daw ng pagkain ay paborito mo kaya hindi na sya nagpabili para sayo. Pero kung may gusto kang kainin, let me know. I will order it for you.” sabi ni Brent Parang mga bulateng inasinan ang mga kapatid ko dahil sa kilig sa mga sinabi ni Brent. Napayuko ako at pakiramdam ko ay ang pula pula na ng mga pisngi ko. Gusto kong pigilan ang mga kapatid ko pero paano? Mali naman ang iniisip nila. Wala namang malisya ang pagpunta nya dito. Nakita kong nilagyan ni Brent ng kanin ang aking plato. Napakagat labi ako. “Okay na Sir, kaya ko po.” sabi ko Pero tinitigan nya lang ako. Yung mga mata nyang nakakapaso kapag tumitingin. Nakakatakot! “Wag mo na akong tawaging Sir kapag nasa labas ng opisina okay? You must obey my command!” he said with an authoritative voice. Napalunok ako at napakamot sa aking ulo. “Ano po ba ang ginagawa nyo dito Sir? Ah.. eh.Brent..” halos pabulong kong sinabi ang pangalan nya dahil naiilang akong tawagin sya sa ganung paraan. Pero nakita kong kumislap ang mga mata nya. He just smiled at me. Tinignan nya sina mama, papa at mga kapatid ko. Ano ba ang binabalak ng lalaking ito? “Tita, Tito, mga bro at baby siz! Nandito po ako para pormal na manligaw kay Liza.” walang abog na sabi nya sa pamilya ko My eyebrow rose in shock! Namilog pa ang singkit kong mga mata. God. Baka naman naghahallucinate lang ako. Hindi siguro totoo ang lahat ng ito? Sobrang taas na siguro talaga ng lagnat ko. Napahawak ako sa aking noo at leeg. Ano ba? Nananaginip ba ako? "Kung malinis naman ang intensyon mo sa anak namin ay payag ako. Tao ka namang humarap sa amin para magpaalam na manligaw!" Sabi ni Papa Biglang natahimik ang lahat sa sinabi ni Papa. Ang mga maloloko kong kapatid ay nagmistulang maamong tupa sa katahimikan. Hindi yata sila makapaniwala na may isang bilyonaryong lalaki ang magkakagusto sa akin. At kahit ako ay hindi pa rin makapaniwala? Ang isang Brent Razon? Magkakagusto sa katulad ko? "Basta bro, kung sakaling makuha mo na ang puso ni Liza, alagaan mo ha. Kapag yan pinaiyak mo. Ako talaga ang makakalaban mo. Hindi pa umiiyak yang mga kapatid ko, tandaan mo yan.!" Sabi ni Kuya Leighton. "Kuya." Mahinang sabi ko na para bang gusto ko na syang pigilan sa pagbabanta kay Sir Brent. Pero si Sir ay ngiti lang ang iginaganti nya sa pamilya ko. Ang layo nya sa masungit, bugnutin at malademonyong boss namin sa opisina. Ang nakikita ko ngayon ay sobrang bait, sobrang galang, sobrang sweet na Brent Razon. At medyo kinilig ako habang naiisip ko ito. "Basta wag mo lolokohin ang kapatid namin ha! Ipapa-rape kita sa mga barkada kong bortang bakla sige ka, kapag niloko mo yan!" Isa pa si Kuya Jordan. Wala akong ibang masabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi pa rin pumapasok sa isip ko ang panliligaw ni Brent. Ang bilyonaryo kong boss ay manliligaw sa akin? Ang boss kong sobrang hot  ay nagkagusto sa katulad ko? Ang boss kong masungit at malademonyo kung magalit na kinatatakutan ng  buong building, may gusto sa akin? Seryoso ka ba talaga Brent Razon? "Masaya ako para sa ate ko. Sa wakas may nanligaw din. Lagi kasing takot ang manliligaw nyan na pumunta dito eh!" Si Migz Napabuntong hininga si mama at seryosong tumitig sa mata ni Brent. "Wala na akong madadagdag hijo! Basta sana ay seryosohin mo ang anak ko kung sakaling mapasagot mo sya!" Seryosong sabi ni mama. He nodded his head as a sign of agreement. Nakita kong nakanguso ang kapatid kong si Kate. Hindi ko mawari ang reaksyong meron sya. "Buti pa si ate mayaman ang manliligaw!" Bulong nya. Muli na naman syang tinukso at inasar ng mga kuya namin. Kawawa lagi ang bunso naming ito, lagi na lang inaasar. Habang masayang nag-iingay ang mga kapatid ko ay napadako ang tingin ko kay Brent. Bigla akong napakagat labi nang makita kong nakatingin na sya sa akin. "Huwag mo akong papahirapan ha, pinapangako ko sayo, ibibigay ko lahat ng magpapaligaya sayo.." bulong nya Ngayon ko lang syang nakitang naging seryoso ng ganito. Parang biglang sumikip ang dibdib ko. Parang hindi ako makahinga. Nanghihina pa rin ako dahil nga sa sakit ko, sinabayan pa nya ng anunsyong manliligaw sya sa akin. Bigla na lang akong napahilig sa balikat nya. Hindi ko nakayanan. "Liza!!!" Sigaw ni mama. Agad na tumayo si Brent at inalalayan ako. Nasa ulirat pa ako at alam kong nagkagulo sila ng bumagsak ang ulo ko sa balikat ni Brent. "Tita, dalhin na po natin sya sa ospital. Mataas pa rin ang lagnat nya!" Nadinig kong sabi ni Brent Gusto kong tumutol dahil hindi naman kailangan. Ipapahinga ko lang ito at iinuman ng gamot ay ayos na ako. Bigla na lamang akong binuhat ni Brent. Parang tumigil ang oras nang mapayakap ako sa matipuno nyang katawan. Mas bumilis ang t***k ng puso ko nang magtama ang aming mga mata. Alam ko at nararamdaman kong sobrang nag-alala si Brent sa akin. Pero utang na loob hindi ko naman kailangan dalhin sa ospital. Ganito ba talaga mag-alaga ang isang Brent Razon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD