Nang makilala ko ang Presidente at may-ari ng Razon's Paint na si Brent Razon ay hindi na naalis sa isip ko ang kanyang pagkatao. Ang laki ng utang na loob ko sa kanya dahil binigyan nya ako ng pagkakataon na makapagtrabaho sa kanyang napakalaking kumpanya.
Agad akong pumunta sa H.R department para kunin ang mga requirements na kailangan kong isubmit sa kanila.
Maging ang H.R ay nagulat dahil inaasahan daw nila ako sa interview for H.R Assistant sana, pero hindi ako nagpakita sa kanila dahil nga sa aksidenteng nangyari sa amin ni Mr. Razon.
Bigla na lang nilang malalaman na ako na ang bagong sekretarya ng boss nila.
"So here are the list of requirements Ms. Park. " sabi ni Ms. Angie Reyes ang chief H.R officer ng kumpanya.
"Thank you ma'am" masaya kong bati sa kanya.
Pero nakita ko ang mataray na mukha sa akin ni Ms. Reyes. Para bang hindi nya ako gusto? Oh mali lang ang nararamdaman kong ito?
"Mukhang malakas ka kay Boss! Hindi ka na dumaan sa amin! You get the job easily!" Sabi nya with her sarcastic tone.
I keep biting my lower lip while she is staring at me. Nahihiya ako sa kanya. Dahil ang iniisip nila ay malakas ang kapit ko sa Presidente. Pero mali ang lahat ng iniisip nila. Hindi ko naman ginusto na mapadali ang pagpasok ko sa kumpanyang ito.
"Mali po ang nasa isip nyo. Ngayon ko lang din po nakilala si Mr. Brent Razon!" Sabi ko
She shakes her head as a sign of disagreement. Alam ko at nararamdaman ko na hindi ako gusto ni Ms. Reyes. Sa palagay nya kasi ay kadikit ko ang pangalan ng boss nila. At wala na akong magagawa tungkol dito.
Marahan akong tumayo at lumabas na ng H.R department. Lahat ng nakakita sa akin ay may mga matang mapanghusga sa akin. Para bang kinakalkula nila ang buo kong pagkatao.
Kalat na ba sa buong building na ako ang bagong secretary ni Mr. Razon na hindi man lang dumaan sa HR department? Pinag-uusapan na ba nila ako dahil nakuha ko ng ganun kadali ang posisyon at madali akong nakapasok sa napakalaking kumpanya na ito.
Nakayuko lang ako habang hawak ko ang folder ng mga requirements at marahang naglakad sa harapan ng mga mapanghusgang empleyado.
Pag-uwe ko sa bahay..
Agad kong ibinalita sa aking pamilya ang pagkakatanggap ko bilang secretary ni Mr. Razon. Natuwa silang lahat para sa akin.
Nagluto pa ng pancit si Mama Emz dahil ipagdidiwang daw namin ang pagkakaroon ko ng trabaho .
"Mama, hindi naman kailangan yan." Sabi ko
Napakamot ulo si Mama at tinapik ako sa balikat.
"Ayos lang anak. Masaya lang talaga si Mama para sayo! Ang galing galing mo. First job mo yan kaya dapat mas pagbutihin mo pa!" Sabi nya
Napabuntong hininga ako. Iyon na nga ang naiisip ko kanina pa. First job ko ito, wala pa akong experience sa kahit anong trabaho pero nakapasok agad ako sa magandang kumpanyang iyon? Kaya siguro ganun na lang ang pagtataas ng kilay sa akin ng mga empleyado kanina.
"Mama, wag ko na lang kaya ituloy? Nararamdaman ko na marami kasi ang may ayaw sa akin doon.." sabi ko kay mama
Lumapit si Kuya Jordan sa akin at hinawakan nya ang braso ko. Para bang susugod sya sa giyera sa itsura nyang iyon.
"Bakit sinong may ayaw sayo doon?? Sabihin mo reresbakan natin yan! Magaganda ba sila? I'm sure inggit lang sila sa kagandahan mo! Wag mo na silang pansinin dahil sa lahat ng kumpanya may ganyan talaga! Mga insekyorang palaka!!!" Sabi ni kuya Jordan
"Sino nang-aaway sayo? Paiibigin ko tapos iiwanan ko. Yun ang matinding resbak! Sabihin mo lang!" Sabi naman ni kuya Leighton
Agad syang binatukan ni Mama dahil nagbibiro na naman si Kuya Leighton ng di maganda. Si kuya Leighton talga, babae pa rin ang iniisip.
Pero may punto si Kuya Jordan na sa lahat ng kumpanya ay may mga asungot talaga, hindi ko dapat sila pinapansin. Magtatrabaho ako ng maayos para maipakita sa kanila kung ano ang kaya ko.
"Hay anak! Huwag ka nang mag-isip pa. Ang mahalaga may maganda ka nang trabaho!" Pagpapakalma rin sa akin ni Papa Edz
"Tama anak! Oh sya! Luto na ang pancit!" Sabi ni Mama.
Napangiti ako sa lahat ng mga sinabi nila. Napakaswerte ko talaga pagdating sa pamilya.
"Ma! Ang tagal! Gutom na ako!" Pagrereklamo na ni Marikit
"Eto na nga oh!" Sagot naman ni mama sa kanya habang sinasalin ang pancit sa isang lagayan.
"Sarap naman talga ng pancit ni Mama Emz!" Si Migz na kanina pa din naghihintay sa pancit ni Mama
Inayos ko ang hapag at pinagsaluhan namin ang simpleng pancit na niluto ni Mama para sa akin.
At gaya ng dati ay napuno ng masayang kwentuhan, tawanan at asaran ang buong hapag kainan. Napakasaya nilang pagmasdan.
Bukas ay ihahanda ko na ang sarili ko para sa unang araw ko sa trabaho.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga. Sana ay maging maayos ang trabaho ko. Sana.
Kinaumagahan nga ay maaga akong nagising. Kinakabahan pa rin ako. Naiisip ko pa, na ieendorse lahat ng dating secretary ni Mr. Razon ang trabaho nya sa akin. Isa pa sya sa nakikita kong hindi rin ako gusto. Laging nakataas ang mga kilay nya sa akin.
Umiling iling ako.. hindi ko na dapat pinapansin iyon. Lalo lang akong maistress.
Pagdating ko sa opisina ay agad na sumalubong sa akin ang dating secretary ni Mr. Razon. Casual ko syang binati at nginitian.
"Good morning!" Sabi ko.
Nakahalukipkip pa rin sya sa akin habang nakatitig sa buong pagkatao ko.
"Let me introduce myself. I am Kathryn Fuentebella, I've been a loyal employee of Razon's paint for FIVE years! You can call me Kath!" Pagmamataray nya.
Diniinan nya ang word na five! Ah! Okay.. naiintindihan ko.. matagal na sya sa kumpanya at isa na rin siguro sa mga pinagkakatiwalaan dito.
"Nice to meet you Ms. Kath.." sabi ko.
Sarkastiko syang ngumiti sa akin.
"Don't act so nice while you're not!" Mataray pa rin nyang sabi sa akin.
Ano ba talaga ang problema ng isang ito sa akin? Wala naman akong ginagawa sa kanya. Pinapakitaan ko naman sya ng maganda pero akala nya ay nagpapanggap ako sa kanya.
Tumalikod na sya sa akin at nagtungo sa kanyang table na magiging akin na rin sa mga susunod na araw. Inilabas nya ang lahat ng folders.
Nagulat ako sa dami ng trabaho na ieendorse nya sa akin. Pero kakayanin ko.
"You need to familiarize with all of our products.. while.."
Habang nagpapaliwanag si Kath ay nakarinig na lamang kami ng malakas na sigawan sa opisina ni Mr. Razon.
"Get out of my sight! Bullhead!!!" Sigaw ni Mr. Razon.
Napahawak ako sa aking dibdib dahil ang boses nya ay tila ba galit na galit sa kausap nya. Bullhead?? Tinawag nya rin akong bullhead nung magalit sya sa akin sa coffeeshop.
Maya maya lang ay lumabas ang isang babaeng empleyado na halos mangiyak ngiyak. Sya ba ang pinagalitan ni Sir?
"Welcome to hell Ms. Liza!" Sabi ni Kath na may nakakaasar na ngiti sa akin.
Napatingin ako sa kanya. Maya maya ay napakagat labi ako. Sobra pala talagang magalit si Mr. Razon. Gaya nung magalit sya sa akin nang matapunan ko sya ng kape. Mala demonyo. Parang bulkan na sumabog!!
"Ganyan palagi dito araw araw. Kaya kung hindi ka sanay mapagalitan at kung ayaw mong nabubulyawan ay maluwag ang pinto, pwede ka nang umalis!" Sabi pa nya.
Sa tono ng pananalita nya ay para bang pilit nya akong pinapaalis sa kumpanyang ito. Pero hindi ako susuko. Paano ako matututo kung susukuan ko ang maliit na bagay na ito.
"Ayos lang. Masasanay din siguro ako." Sabi ko sa kanya.
Pero isang masungit na mukha ang ibinigay nya sa akin. Para bang mas lalo syang nairita sa mga sinabi ko.
Nasaksihan pa namin ang paglabas ng opisina ni Sir habang may kausap sa kanyang cellphone. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila at nang kausap nya.
Nasaksihan ko ang mahigpit na hawak nya sa kanyang cellphone na para bang anumang oras ay pwedeng masira dahil sa higpit nito. Naggalawan din ang mga panga nya senyales ng matinding galit.
"What?? Do you really think that I will approve that bullshi.t proposal???" Galit na sigaw nya habang galit na inoff ang kanyang cellphone.
Napahawak sya sa kanyang sintido at halata ang stress sa kanyang mukha. Lahat ng empleyado na naririto ay tahimik lang at nakamasid lang sa kanya.
Nang biglang..
Napatingin sya sa gawi namin ni Kath. Sa palagay ko ay may namuong pawis sa aking mga noo sa sobrang takot ko sa kanya.
Samantalang si Kath ay inilihis ang suot na dress para mas lumitaw ang malalim nyang cleavage? Ngumiti pa sya ng nakakaakit and she bit her lip. She is seducing Mr. Razon? Ayokong mag-isip ng masama pero iyon ang nakikita ko.
Mas lalong kumalabog ang puso ko ng lumapit sa amin ang Presidente ng kumpanya. He walks towards us with his devil eye.
"Ms. Park! I need you to fix my schedule this week. Ayokong maging magulo gaya ng laging ginagawa ni Kath! Okay? Come to my office, I have something to tell you!" Sabi nya.
Tinalikuran na nya kami at pumasok muli sa kanyang opisina. Nanginig ang buong katawan ko at bigla na lamang nanlamig ang aking mga kamay.
Nang mapalingon ako kay Kath ay bakas na bakas sa kanya na napahiya sya sa mga sinabi ni Mr. Razon. Sa pagkakasabi kasi ni Sir ay para bang lagi na lang palpak ang trabaho ni Kath.
Agad na akong tumayo at nagpunta sa kanyang opisina. Ayokong mapagalitan ng boss ko sa unang araw ko sa trabaho.
Marahan akong kumatok at pumasok na sa loob.
Pagpasok sa loob ay nakita ko syang nakaupo sa kanyang office chair. Nakapikit sya at parang ang lalim ng iniisip.
"Maupo ka!" Isang malaking boses ang nag-utos sa akin. Kahit nakapikit sya ay naramdaman nya ang pagpasok ko.
Marahan akong umupo sa silyang nasa harapan ng kanyang mesa. Nakapikit pa rin sya habang hawak ang kanyang sintido.
I can clearly witness his perfect, but not so angelic face. Because he is a devil. A handsome devil, I guess. He is so sexy touching his temple. Ahh.. ano ba? Nagpapantasya ba ako?
"So, saan ka nakatira? And tell me about yourself." Sabi nya
Minulat nya ang kanyang mata at nasilayan ko ang kanyang brown eyes na syang nakapukaw sa atensyon ko. Bigla na namang kumalabog ang puso ko..
Iniinterview ba ako ni Mr. Razon? Ayos lang naman. Wala kasi talagang formal interview ang nangyari.
"Ah. Taga Espanya sa Maynila kami Sir, malapit sa UST. Mayroon akong limang magkakapatid.."
Naikwento ko ang tungkol sa masaya at kakaiba kong pamilya kay Mr. Razon.
Habang nagsasalita ako ay nakikinig lamang sya sa akin. Nakaramdam ako ng kagaanan ng loob. Pakiramdam ko ay ito ang side ni Sir na hindi alam ng lahat. Marunong syang makinig at aaminin ko masaya syang kausap.
Natutunaw ang puso ko sa tuwing tititigan nya ako sa aking mga mata. May kakaibang boltahe ng kuryente akong nararamdaman sa tuwing ngingiti sya sa akin. Naikwento ko kasi ang mga jokes ng mga kapatid ko. Kung paano nila ako bullyhin. Pero mahal na mahal naman nila ako.
"Really. I think your brother Jordan is amazing. I like his personality!" Sabi pa nya
Hindi ko namalayan ang oras. Halos dalawang oras na pala kaming nagkukwentuhan. At puro patungkol lang sa akin ang napag-usapan namin. Napasobra yata ako ng kwento. Halos wala na akong nagawa sa trabaho ko. Baka magkasalubong na ang kilay sa akin ni Kath kakahintay nya sa akin sa labas.
"Wow. Your Mama Emz is so sweet. Nagpaluto pa talaga sya ng pancit dahil natanggap ka sa trabaho? Nice!" Sabi niya
Kitang kita ko ang kinang sa mga mata nya.
"I wish I also have a mom like your mama Emz.." malungkot na tinig ni Sir Brent.
Ngayon naman ay bakas sa kanyang mata ang kalungkutan. Nasaan ba ang pamilya nya? Hindi naman sya nagkwento ng tungkol sa kanya. Wala tuloy akong ideya.
"Pwede ba akong pumunta sa inyo minsan?" Tanong nya.
Nagulat ako sa mga sinabi ni Sir? Gusto nyang pumunta sa bahay namin, pero bakit naman? Dahil ba sa kwento ko na napakasaya ng pamilya ko? Dahil lang ba dun?
Ilang buwan ang lumipas ay patuloy pa rin akong kinukulit ni Sir Brent na dumalaw sa aming bahay.
Pero nahihiya ako sa kanya. Isa pa ay umugong ang chismis sa buong kumpanya na special ang trato sa akin ni Sir. Sa tatlong buwan kong pananatili sa kumpanya ay hindi nya ako pinagalitan. Hindi nya ako binubulyawan kahit pa ba marami akong pagkakamali sa trabaho.
Espesyal na ba ako sa ganung trato?? Pero bakit kaya? Mr. Brent Razon ano ba talaga ang pakay mo sa buhay ko??