Liza Ilang araw din akong naging tuliro dahil sa mga inasal ni Brent. Sa totoo lang ay natakot ako sa mga ipinakita nya sa akin pero pilit ko pa ring tinatanggap ang lahat. Pilit ko pa ring sinasabi sa sarili ko na dapat ay maging handa ako sa kung ano man ang ipakita nya sa akin. Mahal ko sya, kaya kailangan ay magtiis ako sa lahat ng mga bagay na hindi ko nagugustuhan sa kanya. Nasaktan nya ako at itinago ko sa puso ko ang matinding takot sa kanya. Ikinukubli ko sa aking puso kung ano pa ang maaari nyang gawin sa akin. Magagawa nya kaya sa akin ang mga bagay na naiisip ko? Magagawa kaya akong patayin ni Brent kapag talagang napuno na sya sa akin? Ayoko mang isipin ang mga bagay na ito pero pilit na pumapasok ito sa puso ko. At ito ngayon ang bumabagabag sa utak ko. Natatakot

