Liza Dahil sa kabang nararamdaman ko ay ako na ang tumawag kay Brent. Gusto kong malaman kung nasa maayos na lagay ang kapatid ko. "H-Hello?" Nanginginig ang boses ko nang sagutin nya ang tawag Napalunok ako at hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi na maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko. "A-Ang kapatid ko? Kamusta sya? Dinala ba sya sa hideout?" Tanong ko Narinig kong huminga ng malalim ang boyfriend ko. "Oo, naririto sya sa hide out natin! Huwag kang mag-alala, maayos ang lagay nya! Hindi sya sinaktan ng mga tauhan ko! Sa kwarto ko sya nagpapahinga ngayon. Buhay Prinsesa pa rin sya!" Sabi ni Brent Saka lamang ako nakahinga ng maluwag nang marinig ko ang mga sinabi nya sa akin. Tama ang sinabi nya. Walang mangyayaring masama kay Kate. Kailangan ko lang magt

