Liza Halos magimbal ang mundo ng pamilya ko nang malaman ang nangyari sa bunso naming si Kate. Hindi na nakapasok pa si Kuya Jordan sa trabaho dahil sa labis na pag-aalala. Samantalang si Kuya Leighton ay panay ang lakad sa buong sala at hindi rin maipainta ang kanyang mukha dahil din sa labis na pag-aalala kay Kate. Si Migz ay nakasapo sa kanyang sintido na animo’y nag-iisip ng paraan kung paano ba maililigtas ang aming kapatid. Iyak ng iyak si Mama habang yakap sya ni Papa. Awang awa ako sa pamilya ko. Wala akong magawa! Hindi ko alam kung paano mababawasan ang pag-aalalang nararamdaman nila. “Mga anong oras nangyari ang pandurukot sa anak ninyo?” tanong ni SPO2 Reyes May mga pulis din na nagtungo dito para mag-imbestiga sa mga nangyaring pamamaril sa driver ni Benedict at p

