Liza Simula ng ikasal kami ni Brent ay wala namang pinagbago ang buhay ko. Nakakulong pa rin ako sa malapalasyong bahay na ito. Nakakulong pa rin ako sa karangyaan ngunit nababalot ng kalungkutan ang puso ko. Wala akong ibang magawa sa bahay. Ako na ang nagluluto ng aming pagkain dahil ayoko ng iaasa pa ito sa mga maid. Lalo lamang akong mabuburyong sa mansyon na ito kung pati ang pagluluto ay sila na ang gagawa. Maya maya lang ay biglang tumunog ang phone ko. Kate calling... Nanlaki ang mga mata ko. Ano kayang kailangan ng aking kapatid? Marami na rin akong hindi alam tungkol sa pamilya ko. "Hello Kate?" Wika ko habang hawak ang cellphone ko "Ate, ikakasal na si Kuya Leighton next week. Baka naman gusto mong pumunta. Hindi ka na namin nakikita. Miss na kita." Wika nya Ma

