Chapter 45

2521 Words

Liza Tatlong buwan ang lumipas... Hindi ko pa rin makalimutan ang pait na dala ng pagkamatay ng asawa ko. Hanggang ngayon ay sariwang sariwa pa rin ang lahat ng mga alaala nya sa puso ko. Nag-iipon lamang ako ng pera at lakas ng loob at muli na rin akong babalik sa aking pamilya. Alam kong nag-aalala na sila sa akin. Ang puno't dulo naman ng pag-alis ko ay dahil sa hindi na naatim ng konsensya ko ang kasamaan ni Buwitre. Hindi ko na kaya ang kademonyohan ng asawa ko. At ngayon ngang wala na sya ay kailangan ko nang balikan ang pamilya ko. Kahit masakit pa rin ang pagkamatay ni Brent, ay kailangan ko nang harapin ang totoong mundo. Habang nagwawalis ako ng mga tuyong dahon sa hardin nila Mrs. Ching ay nakaramdam ako ng kakaiba. Pakiramdam ko ay may mga matang nakamasid sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD