Liza Kakaibang kaligayahan ang humaplos sa puso ko nang masilayan ko ang bisita ni Mrs. Ching. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nakikita ko sya ngayon na nakaupo sa eleganteng dining area ng amo namin. Nakatingin sya sa mga mata ko. Hindi mapatid ang mga titig nya sa akin. Gustong gusto ko syang yakapin pero pinangunahan ako ng kaba. Gustong gusto ko syang tanungin kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya ngunit ayokong sirain ang pag-uusap nila ni Mrs. Ching. "Ay may nanalo na. Talo na tayo kay ate Liza." Narinig kong bulong ni Girlie kay Ate Lena. Nang mapagawi ang tingin ko sa dalawa ay nakanguso na si Ate Lena na halata ang pagkadismaya sa kanyang mukha. "Liza! Ang juice!" Sigaw ni Mrs. Ching Umangat ang balikat ko sa sobrang gulat sa sigaw ni Mrs. Ching. Naki

