Liza Bakit ba lagi na lang ganito ang ibinibigay sa akin na pakiramdam ni Brent? Bulto na naman ng kaba at takot ang bitbit ko habang pabalik kami sa bahay nila Lola Pilar. Kilala ko kasi ang ugali ng asawa ko. Madaling uminit ang ulo nya kapag nalaman nyang may ibang lalaki ang napalapit sa akin nitong mga nakalipas na buwan. Baka sa pagkakataong ito ay tuluyan na nyang mapatay si Alex at hindi na makapagtimpi pa. "Why? May problema ba Sweetie?" Tanong sa akin ni Brent habang panay ang dampi ng mga labi nya sa kamay ko. Kitang kita ko ang maamo nyang mga mata sa akin. Ngunit alam kong magbabago ito sa oras na maabutan nya si Alex sa bahay. "W-Wala." Maikling sagot ko Ngumiti sa akin ang asawa ko at hindi nya binitawan ang mga kamay ko. He misses me so much. Ramdam ko ito sa ba

