-Bella-
“Ang lakas mo talaga noh, nagfile ka ng leave at pinayagan ka agad ni General? Ngayon ko lang napatunayan na ibang klase ang mga De Lana, grabe isang salita n’yo kailangan sumang-ayon ang lahat sa inyo?” May pang-iinsultong tanong sa akin ni Colonel Martin, narito kasi ako sa headquarters para kunin ang naiwan kong mga gamit at nagpaalam na rin muna ako sa aning General dahil na rin sa personal reason ang magiging leave ko, at hindi ko inisip na magiging ganito ang kakalabasan sa kanya.
“Nagpaalam ako ng maayos at hindi ko ginamit ang pangalan ko para magleave ng ilang araw, Colonel Martin?” Inis kong sagot dito at nagpokus na lang ako sa pag-iimbake ng aking mga gamit, ayong sabayan ang pang-aasar nito dahil kahit papaano ay kailangan ko pa rin itong igalang bilang superior ko. Tinignan ako nito ng may pang-aasar at saka naupo pa sa harapan ko, hindi ko naman ito pinansin pa dahil ayokong makipagtalo sa mga ganitong klaseng tao.
“Alam mo bang halos anim na linggo bago na approved ang leave ni Major Alex. Si Captain Robles, naman limang linggo na approved ang leave niya. Tapos si Lieutenant Ray halos isang buwan bago din na approved ang leave at lahat sila may personal reason din na gaya sayo? Kaya sabihin mo sa akin gaano ba kapersonal yang leave mo at isang araw lang approved na agad ha?” Salita nitong may ibig sabihin, masama na rin ang aura nitong nakatingin sa akin.
“Ano ba talaga ng gusto mong sabihin Colonel Martin?” Inis ko na ring tanong dito at hinarap ko na ito at pinakatitigan ito sa kanyang mata. Nasa ganoon naman kaming tagpo ng dumating ang iba pa naming mga kasamahan at inaawat na kaming dalawa dahil nakikita na nilang nagkakaroon na rin ng gulo sa pagitan namin ni Colonel Martin.
“Colonel Martin, tama na po yan? Pumayag na po ang General sa naging leave ni Lieutenant De Lana, wala na rin po tayong magagawa dahil approved na Colonel.” Mahinahon na sabat ni Major Alex at nilapitan nito si Colonel Martin.
“Yun nga eh! Palagi tayong walang magagawa lalo na kung may mga malalaking tao ang involved, dahil ba hindi tayo ganon kayaman o kakilalang tao para hindi bigyan ng pabor? At ano? Sila na lang palagi ang dapat na binibigyan at tayo hindi ganon ba, Major?” Galit at naturan nito at mas lalong sumama ang tingin nito sa akin.
“Colonel, dapat tinanggap mo yan simula ng maging police ka? Una palang dapat alam mo na yan? Hindi talaga pantay ang pagtingin sa mga ganitong sistwasyon, at alam mo yan?” Salita naman dito ni Captain Moral. Natahimik naman silang at maging si Colonel ay walang nasabi at umalis na lang ito ng hindi man lang nasasalita. Malungkot naman akong napatingin sa mga kasamahan ko at ramdam ko ang sama ng loob nila sa mga taong katulad ko na madalas nabibigyan ng pabor.
“Hindi ko kayo masisisi kung pagsalitaan rin n’yo ako dahil tangggap ko ang lahat ng sinabi ni Colonel sa akin. Totoo naman ang sinabi n’ya at alam kong masama ang loob n’yo dahil sa mabilisan kong leave, pero hindi ko naman ito gagawin para lang magsaya o magmamasyal sa ibang bansa. Gagawin ko ito dahil may isang tao na nangangailangan ng hustisya at alam kong ako lamang ang taong makakapagbigay noon sa kanya. Sa totoo lang ang taong ito ang dahilan kung bakit ako naging police, gusto kong ako ang humuli sa taong nanakit sa kanya at ako ang kukuha ng justice para sa kanya. Pasensya na kung nadamay ko pa ang mga personal n’yong buhay ng dahil lang sa pagdating ko, hayaan n’yo matapos ko lang ang mission kong ito hindi na n’yo ako makikita dito sa loob ng headquarter.” Mahina kong paliwanag sa mga ito.
“Hindi naman sinabing umalis ka Luietenant, pagpasensyahan mo na lang din si Colonel ang totoo n’yan bigtime rin kasi siya ng mga katulad mong malalaking tao o may sinasabi sa lipunan. Mahirap ang mga pinagdaan niya dati kaya hindi mo rin siya masisisi kung nakakapagsalita sayo ng masasakit na salita. Ayaw na ayaw n’yang ginagamit ang kapangyarihan para lang manglamang sa ibang tao, kaya una pa lang ayaw na rin niya sayo, dahil kilala namin ang pamilya mo.” Paliwanag sa akin ni Major Alex.
“Hindi naman ganoon kasama ang pamilya ko para magalit s’ya at hindi lahat ng makapangyarihan at inaabusado ang maliliit o walang kakayahan, sa katunayan kami pa nga minsan ang tumutulong sa mga taong nahihirapan o inaabuso at sa huli kami rin ang napapasama sa mata ng karamihan, dahil sa pagtulong din namin minsan na wala sa lugar. Kung kilala n’yo ang pamilya ko alam n’yo rin sana ang ginagawa nilang kabutihan para sa ibang tao at hindi para lang sa aming kapakanan. Saka hindi n’yo kailangan matakot o mahiya sa pamilyang pinagmulan ko dahil kung kikilalanin n’yo lang sila makikita n’yong mabubuti ang kanilang mga puso kahit pa sabihing may dugo kami ng mga mafia. Subalit kaylan man ay hindi kami gumamit ng isang tao para lang saktan at pahirapan, tulad ng iniisip ng lahat.” Malungkot kong salita sa mga ito at saka kinuha ko na rin ang gamit ko para umalis. Lihim naman akong nagpunas ng luha ng maramdaman kong may mga taong inaakalang masasama kami, ng gabing yon pinili kong maging matatag pa rin dahil sa meron pa akong dapat na bigyan ng hustisya at hindi ako pwdeng mabigo sa pagkakataong ito.
Kinabukasan ay lulan na rin ako ng private plane ko papuntang Japan ng sa ganoon ay harapin ang mga taong matagal ko na dapat hinarap. Ngayon ako gagawa ng mali sa buhay ko, pero alam kong magiging tama lalo na kung mabibigyan ko ng hustisya si Erica. Humanda silang lahat sa akin dahil matinding paniningil ang gagawin ko at sisiguraduhin kong kahit anino nila ay matatakot sa gagawin ko sa mga buhay nila. Sinalubong ako ni Bonnie at si Alice naman ang kumuha ng mga gamit ko, nasa loob na rin naman ng kotse sila Luiz at Berna para ihatid ako sa hotel kung saan ako magstay ng ilang araw.
“Boss Madam, ok na po ang lahat dito nakabitan na rin namin ang buong building ng cctv at pati ang tinutulyang hotel room ni Mr. Atorie Konochie, sa tuwing may babae s’yang gustong makasiping.” Malanding sambit ni Luiz at saka nahiga pa sa kama ko na animoy may lalaking kayakap. Malandi talaga ang isang ito at kahit anong gawin ko ay hindi na rin naman ito magbabago pa, hindi ko na lang ito pinansin pa dahil naiirita na lang ako sa kung ano ang pinagsasabi nito.
“Nga pala Boss Madam, tumawag na rin po ang tauhan natin sa loob ng company ni Mr. Atorie Konochie at wala pa daw siyang makitang anumalya sa company dahil legal daw po ang lahat ng kanilang transaction.” Pagbabalita naman sa akin ni Berna habang inilalagay ang damit ko sa cabinet, ganito ang mga tauhan ko may kanya-kanya silang ginagawa pag-aayos sa mga kailangan ko kaya naman panatag ako sa kanilang lima dahil alam kong ligtas ako.
“Bukas ng umaga pupunatahan ko si Hajime at baka hindi na rin n’ya ako nakikilala?” Seryoso kong sambit at saka namintana ng sa ganoon mapag-aralan at makita ko ang buong paligid.
“Sa tingin ko Boss Madam, mula ng palayain mo yon ay hindi ka na talaga noon nakalimutan? Sobrang natakot yon sa ginawa natin at balita ko na trauma yon at halos ilang buwan rin sa hospitala ang binata.” Banggit naman sa akin ni Alice habang inaayos nito ang pagkain sa kusina, cook din kasi ito at talagang masarap magluto at sa luto lang din nito naaalala ko ang aking ina.
“Pero Boss Madam, paano ka magpapakilala sa kanya? Eh! May takip ang mukha mo noong humarap ka sa kanya? Paano mo papasukin ang lunga ng kalaban kung hindi ka dadaan sa pintuan?” Makahulugang tanong sa akin ni Melly? Napatingin ako dito pero ngumisi lang ako dahil sa napag-aralan ko na rin naman ang lahat ng ito.
“Ako ang magiging anino n’ya saan man s’ya magpunta.” Simpleng sagot ko sa mga ito na ikinatingin nila sa bawat-isa, iniwan ko na rin muna sila ay pumasok ko ng banyo para maligo dahil nakakaramdam na rin ako ng lagkit sa aking katawan. Nang matapos ako ay nakaready na rin ang isusuot ko at mukhang si Berna na rin ang nag-ayos nito, napapailing na lang ako sa mga tauhan ko dahil parang bata nila ako kung ituring. Lumabas na rin ako dahil mukhang kumakain na rin ang mga ito dahil maingay na rin sa bandang kusin, at naabutan ko ang mga ito na may tinitignan na picture sa isang social medial.
“Ano yan?” Tanong ko sa mga ito at naupo na rin ako para kumain. Nagsasandok pa ako ng kanin ng ilapit sa harapan ko ang cellphone ni Alice at ipakita ang mukha ng isang lalaki.
“Sino yan?” Tanong ko ng hindi ko makilala ang lalaking pinakita ng mga ito.
“OMG, my gouch! hindi mo kilala ang gwapong boylet na ito Boss Madam?” Maarteng salita ni Luiz sa akin. Ngumunguya naman ako ng tumingin ako at saka umiling, wala akong hilig sa lalaki at wala rin ako panahon sa mga ito.
“Boss Madam, siya na ngayon si Hajime Harake ang boylet na gustong paghigantihan. Grabe abs palang nito ulam na. Boss Madam, pwde bang ako na lang ang magparusa dito? Sayang naman kung basta mo na lang ito papatayin eh! Maraming babae pa ang luluhod dito sa sobrang yummy nito talaga.” Dag-dag pa ni Luiz at hinahalikan ang hubad na picture ng binatang pahihirapan ko.