PROLOGUE
-Bella-
“Sino ka, at bakit kailangan mo akong dukutin ng ganito?” Takang tanong sa akin ni Hajime ang hapon na naging nobyo ng kaibigan kong si Erica, na pinaslang at hindi nabigyan ng justice. Nakikita ko ang malaking pagtataka nito sa kanyang mga mata pero hindi ako madadala sa pagpapanggap na wala itong alam kung sa totoong naging sa dati nitong nobya.
“Ako ang taong tatapos sa buhay mo, oras na hindi mo sabihin sa akin ang totoo? Simple lang ang tanong kaya dapat tama ang magiging sagot mo? Sagot ko dito habang nasa harapan ako nito at nakaupo na parang reyna, well nakalimutan kong reyna nga pala ako. Ako si Bella ang mafia queen ng De Lana clan kaya kailangan ding matakot ang lalaking ito dahil oras na mali ang sagot nito ako mismo ang magbabaon ng katawan nito sa lupa at kung gaano man ito kataas ay doble o triple ang magiging taas ng magiging hukay nito sa kanyang libingan.
“Ano ba yang pinagsasabi mo, ha? Hindi kita kilala at wala kong pakialam kung sino ka man? Kalagan ma ako dito dahil wala kong ginawa masama kahit na kanino, kaya pwde ba itigil mo yang kahibangan mo dahil hindi ako natutuwa sa pinaggagawa mo? At baka hindi mo ako kilala Ms.?” Nagwawala na rin nitong turan sa akin, masama na rin ang tingin nito sa akin na hindi ko pinansin dahil mukhang walang planong magsabi ng totoo ang isang ito.
“Wala akong akong pakialam kung sino ka dito sa mundo? Ang tanong ko ang sagutin mo, kilala mo ba si Erica Reyes?” Seryoso tanong ko dito na ikinatahimik naman nito at ikinatingin nito ng may ibig sabihin, habang naghihintay ako ng magiging sagot nito ay hindi ko magawang hindi tumingin sa mga mata nitong parang sinasabing wala kong kinalaman sa pagkamatay ng taong binanggit ko.
“Kaano-ano mo si Erica? At sino ka bang talaga ha?” Balik tanong nito sa akin habang nasa kawalan naman ang tingin nito. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip nito dahil parang ang dami pa nitong gustong itanong at sabihin sa akin na hindi ko mahuli.
“Sagutin mo na lang ang tanong ko kung ayaw mong makita ng maaga ang tunay mong mga magulang.” Sagot ko dito at hinawakan ko ang isang patalim na kanina ko lang din naman hinasa, napalinok naman ito ng makita ang hawak ko at kung paano ko hawakan ang talim nito sa pinakadulo at saka titingin sa kanya na animoy sinasabing malapit na ang kanyang kamatayan. Hindi naman ako nito makikilala dahil sa may suot akong mask at tanging mata lang ang kita sa akin. May palno pa ako kaya naman hindi pa ako pwdeng makilala nito, kailangan ko rin mag-ingat at baka may taong nasa loob ng lalaking ito. Napahinga pa ito bago sumagot sa naging tanong ko.
“Ex-girlfriend ko si Erica, mahigit sa anim na buwan rin kami naging magkasintahan. Sa pagkakatanda ako ay masaya naman kami noon mga unang buwan ng pagiging mag nobyo naming dalawa. Mabit si Erica at maasikaso sa lahat ng bagay, palagi rin s’yang nasa tabi kapag nagkakaroon kami ng time, buong week days kasi nasa trabaho ako at linggo lang ang time naming dalawa. Hanggang sa isang araw ay nakipaghiwalay siya sa akin ng hindi sinasabi ang totoong dahilan? Basta ang sabi n’ya lang ay hindi na n’ya ako mahal dahil sa may mahal na s’yang iba. Tinanggap ko ang pakikipaghuiwalay nito dahil nagiging madalas na rin ang nagiging pag-aaway naming dalawa, at ayokong nakikitang umiiyak ang babaeng mahal ko. Alam ko rin na may iba na s’yang gusto dahil minsan ko s’yang nahuling may kasamang ibang lalaki. Kaya naman umalis ako noon at nagstay na lang muna sa Italy ng sa ganoon ay maiayos ko ang mga bagong business na bubuksan ko roon.” Malungkot nitong pagkukuwento, subalit hindi ako nagpadala sa kung ano man sinasabi nitong kasinungalingan.
“Mahal mo, pero nagawa mong paslangin? Ganyan na ba ngayon ang basihan ng pagmamahal Mr. Harake? Na pagkatapos mong pagsawaan ay basta mo na lang iiwan ng walang buhay?” May diin kong tanong dito at halos saktan ko na rin ito pero may kung ano sa aking loob na nagsasabing huwag kong gawin. Napaiwas na lang ako ng tingin dahil alam kong nagagalit ako pero hindi magawang manakit lalo na ang lalaking nasa aking harapan.
“Hindi ako ang pumaslang kay Erica, nakita ang bangkay ng katawan n’ya sa loob ng condo unit nito at noong mga panahon na yon ay nasa Italy ako at halos ilang linggo na rin kaming hiwalay noon. At lumabas sa imbistigasyon ng mga police ay nagpakamatay ito dahil na rin sa isang suicide note na nakita nila sa tabi ng bangkay ni Erica. Kaya bakit ako pa rin ang sinisisi mo, ha? Alam mo bakit hindi mo hanapin ang totong salarin at hiharap mo s’ya sa batas.” Galit nitong sagot at gusto na rin kumawala sa kanyang pagkakatati. Nakatingin lang ako dito dahil gusto kong makita sa mga mata nito ang pagsisisi na kanyang ginawa. Pero mukhang mapapahiya ako dahil alam kong totoo ito sa kanyang sinasabi sa akin. Kaya naman napapailing na lang ako dahil sa mga nangyayari ngayon.
“Sabihin mo paano mo masasabing nagpakamatay ito? at nag letter na sinasabi mo ay mukhang pinilit lang sa kanya at ayaw naman talaga n'yang gawin. Ngayon sabihin mo paano kita paniniwalaan ha? At alam mo bang nakilala ko na rin ang mga police na binayaran para lang hindi ikaw ang maging suspect, pero kung ang batas ay kaya mong lokohin pwes hindi ako dahil may batas ako sa sariling kong imbistigasyon. At ito ang pakatatandaan mo oras na malaman ko ang buong katotohanan ay ako rin mismo ang magpapahirap na nararapat para sayo.” Mahinang at kalmado ko na ring paliwanag dito. Hindi pa man ito nakakapagsalita ng paluin ito sa batok ng tauhan ko at hayaang nakayuk-yuk sa upuan kung saan ito nakatali.
“Boss Madam, ano po ang susunod na gagawin natin sa lalaking to? Saka tingin n’yo rin po may kinalaman talaga s’ya sa pagkamatay ni Ms. Erica?” Tanong sa akin ni Berna ang kanang kamay ko. Napatingin lang ako sa lalaking nasa aking harapan at saka muling ibinalik ang tingin sa tauhan kong naghihintay na rin ng sagot ko.
“Ewan ko, pero hindi pa rin ako titigil hangga’t hindi pa ko sila napaparusahan. Tuloy ang plano ibalik na lang muna ninyo ang lalaking yan sa lunga n'ya at sa pagbabalik ko sisiguraduhin ko na ring dala ko na ang hustisya na para sa kaibigan ko. Sa susunod na linggo matatapos na ang training ko at ganap na rin akong police pagbalik ko dito sa Japan. Kaya ayusin n’yo ang trabaho n’yong dahil magpapalakas lang muna tayo at muli tayong sasabak sa laban na ibibigay ko sa kanilang lahat.” Pagpapaliwanag ko sa kanilang lahat nagtanguan naman silang at alam kong nauunawaan ng mga ito ang sinabi ko.
“Boss Madam, pwde bang h’wag muna natin paslangin ang boylet na ito ang pogi kasi Boss Madam?” Kinikilig namang sambit ni Luiz ang binabae kong tauhan ko at kahit may p********e itong magsalita o kimilos ay matikas at maasahan ko ito sa pakikipaglaban lalo na kung harapan ang magiging kalabano. Isa akong mafia queen at hindi maaaring mahihina ang lahat ng tauhan ko, dahil iyon ang bawal sa akin ang mahina o walang silbi.
“Tigilan n’yo ang isang yan dahil akin yan.” Baliwalang sagot ko na ikinatawa naman ng mga ito. Kuno’t nooa kong tumingin sa mga ito dahil sa hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko.
“Ano sa sinabi ko ang nakakatawa, ha?” Insi kong turan sa mga ito. Nagsipag-ayos ng tayo ang limang babaeng tauhan ko at lahat sila ay may ngisi sa kanilang mga labi kaya naman mas lalo akong naasar sa mga ito.
“Eh! Pano Boss Madam, hindi namin alam na maging ikaw ay naaakit sa gwapong adonis na nasa harapan natin?” Pigil na tawa ni Melly ang sniper ng grupo ko. Napatingin naman ako sa lima hanggang sa isa-isa na lang nag-alisan ang mga ito dahil pinakita ko sa kanila ang tingin na ayaw nilang nakikita sa akin. Matagal ko na rin kilala ang limang babaeng tauhan ko dahil mismong si Daddy ko ang nagsanay sa mga itoi habang ako naman ay sinasanay din ng iba ko pang mga kamag-anak para maging mafia queen na pumalit sa naging posisyon ng aking ama na isang mafia lord.
Muli naman ako napatingin sa lalaking hanggang ngayon ay tulog pa rin, hindi pa ito mamamatay ngayon dahil sa may kailangan pa akong malaman dito. At ayokong pumapaslang ng walang laban o nakakaawang tignan kaya naman bibigyan ko pa ng pagkakataon ang lalaking ito para mapatunayan na talagang wala itong kasalanan sa pagkasawi ng kaibigan kong si Erica at oras na malaman kong pinaiikot lang ako ng lalaking ito ay sisiguraduhin kong hindi na ito makikita ng kanyang kinikilalang pamilya. Alam ko na rin naman ang lahat ng tungkol sa lalaking ito, at kahit anong gawin nito ay magiging anino na ako nito kahit umayaw pa sya. Ako ang magsisilbing salamin ng sa ganoon ay magkaroon siya ng konsensya at aminin sa harapan ko ang ginawa nitong pagpaslang sa isang taong mahabang panahon kong iginalang at itinuring na parang kapatid.