Chapter 1

1567 Words
-Bella- “Congrats, anak at natupad mo na rin ang kagustuhan mong maging isang police kahit na alam mong hindi ko gusto yan pinasok mo. Pero nakita mo naman narito pa rin ako at sinusuportahan pa rin kita?” Nagtatampong sambit ng aking mahal na ina habang malawag naman ang aking ngiti dahil alam kong masaya naman ito sa kung ano ang aking narating saka alam kong nag-aalala lang ito sa akin lalo pa at alam n’yang palaging nasa panganib ang buhay ko. “Mommy, naman ibigay mo na sa akin ang araw na to please. I love you Mommy!” Malambing ko naman sagot dito na ikinahampas naman nito sa aking balikat, grabe din si Mommy dahil sa masakit talaga itong mamalo at hindi biro ang bigat ng kamay nito, kaya kung minsan ay napapaisip na lang ako paano kung pati si Mommy ay nakikipaglaban ano na kaya ang posisyon nito ngayon. Natatawa kong turan sa aking isipan habang nakayakap sa kaing ina ng mahigpit at dinadama ang pagmamahal nito sa akin. “Congrats, insan, mabuti na lang at natapos mo rin ang pag-aaral mo at isa ka ng ganap na alagad ng batas? Grabe ka mukhang hindi ka marunong mapagod at pati ang pagpupulis ay pinasok mo pa, hindi pa ba sapat ang pagiging mafia queen at nakukulangan ka pa sa rango mo?” Nakangising bati sa akin ni Xylyn at binigyan ako ng isang balot na popcorn na ikinatawa ng lahat ng aming kamag-anak. Sinamaan ko naman ito ng tingin dahil talaga reyna ito sa pang-aasar at wala itong pinipiling oras basta magsasalita s’ya ay wala itong pakialam. “Oo nga insan, Bella, ano ba talaga ang dahilan at pinasok mo ang pagiging police sa pagkakaalam ko mababa langa ng sahod n’yan at mukhang hindi mo naman kailangan ng koneksyon dahil alam mong kahit nasaan tayo ay malakas ang koneksyon ng pamilya natin?” Kuno’t noong tanong naman ni Zandra ang ubod ng seryoso sa lahat ng bagay. Hindi agad ako makasagot sa kanila dahil hindi ko masabi ang totoo, gusto kong maging sa akin muna ang dahilan ng pagiging alagad ko ng batas at ayokong malaman ng karamihan kung ano talaga ng intention ko. “Simple lang mas gusto ko pang mas lumawak ang mga taong pwde nating makilala at mahingian ng tulong. Alam kong namang kaya kong gawin kahit pa hindi ako police pero hindi ko pa rin maipaliwanag ang mga nangyayari sa akin at gusto ko talagang maging alagad ng batas. Saka wala pa rin mababago sa lahat ng gagawin ko tulad pa rin ng dati kasama ko pa rin kayo sa lahat ng magiging desisyon ko sa pamumuno ng ating pamilya.” Paliwanag ko sa mga ito, at saka ako uminom ng alak. Nakita kong ngumiti na rin ang lahat at sumang-ayon sa kung ano ang naging sagot ko sa kanila. Nagkaroon ng party sa mansion ng mga magulang at kompleto kaming lahat maliban lang sa Kuya Marco ko na hanggang ngayon ay nawawala pa rin, subalit hindi ako tumitigil na hanapin ito kahit alam kong may idea na rin ko na alam na rin ni Daddy kung nasaan ito. Ayokong lang pangunahan ang aking ama sa magiging plano nito dahil malaki ang paggalang ko dito at alam kong hindi ito gagawa ng mga bagay na ikakapahamak na aking Kuya Marco. Halos umaga na rin natapos ang inuman at lasing na rin ang lahat, ung ibang pinsan ko ay umuwi na rin sa kani-kanilang condo ng sa ganon ay doon na lang ituloy ang kanilang tulog. Samantalanga ko ay nasa kuwarto ko ngayon at nag-iimpake dahil ngayon din ang alis ko pabalik muna ng Japan para tapusin ang naiwan kong mga transaction at pagkatapos ay pupunta na ako sa headquarter para magreport sa bagong trabahong meron ako. Nasa ganon akong pag-iisip ng pumasok si Daddy at tumingin sa gamit ko na nakakalat sa ibabaw ng kama ko. “Bella, pwde ba kitang makausap, anak?” Walang imosyong tanong sa akin ni Daddy. Napatingin naman ako dito dahil sa hindi ko mabasa ang nais sabihin nito sa akin. “Yea, Daddy ano po yon?” Magalang kong sagot dito habang isinasara ang malate kong nasa ibabaw rin ng aking kama. “Gusto lang kitang paalalahanan sa mga gagawin mo, lalo at isa ka na ng ganap na alagad ng batas? Alam ko rin kung ano ang kakayahan mo, at nais kong malaman mo na kahit ano pa ang maging decision mo ay susuportahan pa rin kita kahit alam kong maaaring maging mali ang gagawin mo, anak?” Makahulugan na sambit nito sa akin. Hindi naman ako nakasagot at tumingin lang din ako dito, pero sadyang wala kong makitang imosyon sa mga mata nitong nakatitig lang din sa akin, kaya naman napahinga na lang ako ng mahina at saka sumagot dito. “Daddy, sa ngayon ang pagiging police ko pa lang ang nakikita kong paraan para mabigyan ng katarungan ang pagkasawi ng kaibigan ko? Alam n’yo kung paano naging mabuti sa akin si Erica at hindi ako papayag na masasayang lang ng ganoon ang buhay n’ya. Mas lalo hindi ako papayag na hindi ito matatahimik sa kabilang buhay hangga’t nabubuhay pa ang taong may kagagawan ng kanyang pagkawala.” Sambit ko sa magalang salita at determinadong sagot, alam kong kilala ako ng aking ama at alam na rin nito ang buong plano ko kahit pa hindi ko sabihin. May kasabihan ng na salamin tayo ng ating mga magulang kaya naman alam kong nauunawaan ako nito. “Hindi ako magiging hadlang sa magiging plano mo basat siguraduhin mong tama ang taong paparusahan mo dahil ayokong makita ang anak ko na nagsisisi dahil sa naging mali ang kanyang mga decision. Bella, hindi ka na bata at nakikita ko ang sarili ko sayo pero hindi ako mananahimik oras na ikaw ang mapapahamak, alam mong ayokong umuuwi sa mansion na ito na isang talunan. Kaya ayusin mo ang sisimulan mong laban ng sa ganoon magagawa mo pa rin humarap sa akin ng buo ang nakikita kong paninindigan sayo ngayon.” Salita nito at saka na ako tinalikuran para iwan ako. Subalit muli itong lumingon at kinalunok ko at ikinalaki ng aking mata dahil nakikita ko sa mga mata nito ang malaking ibig sabihin na mahirap paniwalaan. Nang makaalis na ito ay tumayo ako para tumanaw sa may bintana ko, malapit na rin sumikat si haring araw at may mga tauhan na kaming nagjogging sa buong paligid ng mansion. Isa lamang ito sa mansion ng aking mga magulang dahil sa halos lahat ng bansa na aming pinupuntahan ay bumibili ng mansion ang aming ama ng sa ganoon daw ay meron kaming matuluyan, naging maingat si Daddy sa lahat ng bagay simula ng mawala ang Kuya Marco ko ng hindi nito matanggap agad. Nakatanaw ako ngayon sa malawak na lupain ng aming pamilya, masaya naman ako sa pagiging De Lana dahil sa kahit kaylan ay hindi ko naranasan ang maghirap o mahirapan, pero kung minsan ay napapaisip ako kung paano ang magiging buhay ko kung hindi ako napunta sa ganitong klaseng pamilya. Sa totoo lang ay hindi ko kaylan man ginusto na maging mafia queen ng aming angkan dahil ang alam ko ay mas magaling pa sa akin ang iba kong pinsan at alam akong magiging maayos ang lahat kung hindi ako ang nabigyan ng ganitong klaseng possession. Pero halos wala na rin ako magawa ng ipilit sa akin ang pamumuno ng aming angkan, at sa mura kong edad ay naranasan ko na rin ang makipaglaban at namulat na rin kaming lahat sa mga pagpaslang ng mga taong walang kuwentang mabuhay sa mumdo. Sa unang pamumuno ko ay hindi naging madali, nagkakaroon pa nga minsan na hindi ko kayang humarap sa lahat dahil sa alam kong hindi ko talaga kaya ang inaatas nila sa akin. Hanggang sa kinausap ako ng lahat ng Uncle ko at pinakita nila sa akin ang magiging bunga kung sakaling hindi ako magiging magaling na pinuno, pinaranas na rin nila sa akin ang sakit sa hindi ko pagtanggap ng ganitong tungkulin. Halos madurog naman ang puso ko ng malamang pinagbutuhan pala ng pagpili sa akin at nakita kong lahat ng aking pinsan ay ako lang pinili at walang may gustong lumaban para kunin sa akin ang possession na maging mafia queen. Hanggang sa tuluyan na rin akong maging mafia queen na ikinasaya nilang lahat, maging ang sarili kong mga magulang ay alam kong masaya para sa akin. Kahit pa alam kong lumuluha ang aking ina dahil sa bagong buhay na ibibigay sa akin ng aming pamilya, hindi kasi magiging ganoon kadali ang pagiging mafia queen dahil nasa balikat ko ang lahat ng decision na gagawin ng aming angkan kahit pa sabihing may mga kanya-kanya silang pinamumunuan. Sa paglipas ng panahon ay nagawa kong pagtagumpayan ang pagiging mafia queen na alam kong naging proud sa akin ang lahat, ganoon pa may ay kahit na sabihin ganoon ako kalakas o kagaling ay hindi ko pa rin magawang pangalagaan ang isang taong labis akong minahal at mas inuuna pa nito ang kapakanan ko kaysa sa kagsutuhan nito. Kaya naman ang pagkawala nito sa tabi ko ang isang bagay na naging kahinaan ko, pero hindi ako papayag na matapos ang buhay nito na wala akong nagagawa o hindi man lang ito nabibigyan ng hustisya dahil ako mismo ang kikitil sa buhay ng mga taong gumawa nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD