-Bella-
“Good morming General Lucas” Magalang kong pagbati sa magiging General ko dito sa headquarter na pagdudutyhan ko. Sumaludo ako at pinakita ko dito ang pagiging maliksi at matikas kong tindig, police ako at hindi ako maaaring maging lampa sa paningin nito. Tinignan ako nito mula hulo hanggang paa, at alma kong kilala ako nito nguni’t alam kong hindi ito madadala sa kung sino man ako pero hindi nito alam na isa kong mafia queen dahil nakatago ang tunay kong pagkatao sa pagiging alagad ko ng batas.
“Maupo ka Lieutenant De Lana” Sagot nito sa seryosong boses. Sinunod ko lang ito pero kahit nakaupo na ako ay nakamasid pa rin ito sa mga nagiging pagkilos ko. Wala naman akong imosyon na tumingin dito kahit alam kong pinag-aaralan na din ako ng aking General. Sa totoo lang ay alam kong maraming tao ang ilag sa pangalang dala ko dahil na rin sa kuwento ng angkan na meron ako. Subalit kung napag-aralanm na nito ang buhay ko mas nakinilala ko ang taong mabibigay sa akin ng magiging trabaho ko bilang alagad ng batas, at masasabing matuwid itong General at alam kong kilala nito ang aking Lolo Zandro dahil na rin sa minsan na siyang naging tauhan nito bago pa man s’ya na punta sa pagiging police.
“Alam ko ang iniisip mo nagyon Lieutenant? Tama ka kilala ko ang pamilyang pinagmulan mo dahil minsan ko na rin nakasama ang mga Uncle’s at ang Daddy mo maging ang Lolo Zandro mo ay nakasama ko na rin sa isang labanan noong mga panahon na nagsisimula pa alng ako sa aking pagpopoilice at masasabi kong mabuti tao ang angkan mo, kaya naman hindi na rin ako magugulat kung makakagawa ka ng mga bagay na labag sa batas pero isa lang ang gusto kong siguraduhin mo?” Pahayag nito na mabilis kong ikinatingin dito. Hindi naman ako nagpakita dito ng pagkabigla dahil alam ko na rin na kilala na rin namin ang isa’t-isa.
“Sa lahat ng gagawin mong, alam mong hindi tama ay h’wag mong hahayaan na mahuli ng batas dahil alam mo na ring maaaring madamay ang pamilyang dinadala mo?” Makahulugan nitong sambit sa akin na ikinangisi ko naman ng tipd dito. Nakita ko ring ngumiti ito at sa pagkakataong yon ay nakita kong magiging kakampi ko ito pagdating ng tamang panahon, nagkaroon pa kami ng mahabang pag-uusap ng may isang babae ang pumasok at nagbigay sa Genereal ng red envelope na hindi ko naman alam kung ano ang ibig sabihin. Nagkatingian kami ng General hanggang sa iaabot nito sa akin ang red envelope na isa pa lang invitation, nagtataka ko itong kinuha at muling tumingin sa General na ngayon ay tumayo at nagpunta malapit sa kinaroroonan ng mga alak nito.
“Iyan ang first mission mo ngayon gabi, kasama mo ang iba ko pang mga kapulisan at pupunta kayo sa party na yan kung saan nagaganap ang isang bidding ng mga painting na ninanakaw sa ibang bansa at dito sa bansa natin ibebenta. May malalaking pangalan ang nasa likod ng gagawin n’yong mission at natitiyak kong may malaking isda kayong makukuha ngayon gabi kung magiging mas mabilis at matalino kayo sa gagawin n’yong pagkilos.” Paliwanag nito sa akin at saka nagsalin ng alak sa basong hawak nito at muling bumukas ang pintuan ng office nito at walong kalalakihan ang nakita ko at mukhang ito ang team na kanyang sinagabi.
“General, ayos na po ang lahat at hudyat n’yo na lang po ang kailangan at aalis na rin kami ngayong gabi.?” Matigas na sambit ng isang lalaking at mukhang ito ang leader ng team. Makahulugan namang akong tinignan ni General at sa tingin pa man nito ay alam ko na rin kung ano ang ibig sabihin nito.
“Major Amarin, siya si Lieutenant De Lana. Mula ngayon kasama na siya sa team mo.” Simpleng pakilala sa akin ng aming General. Tumingin naman sa akin ang lahat at sumaludo naman ko ng sa ganoon ay magbigay ng galang. Alam kung gulat sila ng malaman kung sino ako dahil sa killala sa mundo ng mafia ang aming pamilya at bibihira lang ang nasa ganitong trabaho at sa pagkakaalam ko, ako pa lang din ang unag police sa aming angkan kaya naman madami ang nagugulat kung bakit ko pinasok ang ganitong larangan.
“Sige po General kami na po ang bahala kay Lieutenant.” Magalang na sagot nito at saka ako pinasunod sa kanila, nasa likod lang ako at tahimik na nakasunod ng lapitan ako ng isang lalaking police. Maganda ang ngiti nito at mukhang maloko ito sa ulo.
“Hi! Ako nga pala si Lieutenant Ray, pero just call me Ray for short.” Natatawa nitong pakilala sa akin habang naglalakad kami sa isang hallway at mukhang papunta kami sa parang basement or partking lot. Ngumiti lang ako dito at saka nagpatuloy sa paglalakad, nakita kong ngumuso pa ito kaya naman hindi ko na lang ito pinansin pa. Pinagmasdan ko ang lahat at mukhang seryoso talagang ang iba at itong si Ray lang ang mahilig magbiro, ewan ko lang kung pagdating sa mga labanan ay ganito pa rin ito kaharot.
“Lieutenant De Lana, ito ang isuot mo ng sa ganoon ay makaalis na tayo. Kung mapapansin mo ikaw lang ang babae sa grupo kaya naman dapat ay maging double ang pag-iingat mo, ayokong nasa gitna na tayo ng laban ay ikaw pa ang aalahanin namin, alam ko namang hindi mo makukuha ang ranggo mong yan ng dahil lang sa isa kang De Lana. Alam ko naman pinaghirapan mo kung ano ang possession mo ngayon kaya kung maaari gawin mo ang trabaho ng sa ganoon ay matapos natin ang lakad na ito na maayos at tahimik.” Mahabang paliwanag sa akin ni Major Amarin ang team leader ng aming grupo.
“Yes, Sir” Matikas kong sagot dito at saka kinuha ang isang paper bag na alam ko na rin naman kung ano ang laman noon, ilang sandali pa ang inilagi ko sa banyo para ayusan ang aking sarili. Suot ang isang backless dress na kulay itim, napangiti pa ako sa salamin dahil mukhang binili talaga ito para sa akin dahil talagang fit ito sa katawan ko at dahil sanay naman ako magsuot ng mga ganitong damit at carry ko lang ito kahit makipaglaban pa ako. Simple lang din ang make up ko dahil sa ayoko ng makapal at inilugay ko na lang muna ang buhok kong hanggang balikat, bagsak naman ito kaya hindi ako mahihirapan na ayusin pa ito. Nang masigurado ko ng maayos na rin ang lahat ay lumabas na ako at nakita kong napatingin pa sa akin ang walong lalaking nakaayos na rin ng mga suot, naging seryoso nanamn ako dahil maging ang mga ito ay gwapo sa kani-kanilang mga suot na tuxedo mukhang malaking event talaga ang mangaganap ngayon at kailangan pa naming magpalit ng damit ng sa ganoon ay makapasok kami sa party na una kong magiging mission.
“Sabi na nga ba at talagang magaganda at sexy ang De Lana? Grabe mukha kang dyosa sa kagandahan?” Masayang pagbati sa akin ni Ray habang nasa tabi ko na ito at pinakatitigan ang mukha ko. Nailang naman ako at saka yumuko na lang, may mga pumuri pa sa akin at ngumiti na lang ako sa mga ito.
“Sana lang magaling ka rin mamaya sa laban baka hanggang ganda lang ang kaya mong iambang sa grupo na to.” Salita naman ng isang lalaking hindi ko pa kilala. Napakuno’t ako sa kanyang sinabi kaya naman napakuyom ang aking kamao ng walang nakakakita.
“Tama na yan aalis na tayo. Nga pala Lieutenant De Lana, ipapakilala ko sayo ang magiging kasama mo. Well, kilala mo na rin naman ako at ayos lang kung Major Alex nalang ang itawag mo sa akin dahill sa iyon naman ang tawag ng karamisan sa akin.” Simpleng sambit ni Major Alex at isa-isa na nitong ipinakilala sa akin ang kanyang mga kasamahan.
“Siya si Lieutenant Javier, siya ang magiging mata natin dahil siya ang bahala sa lahat ng cctv na daraan natin at kaya rin n’yang gawin ang lahat basta magkaroon lang siya ng computer sa kanyang harapan.” Pakilala noon sa akin sa lalaking kalbo at matangkad rin naman, tumango na lang din ako dito.
“Ito naman si Captain Ramos, siya naman ang sniper sa grupo.” Sambit nito at nilapitan ang isang lalaking nag-aayos ng baril at wala itong imosyon na tumingin sa akin. Tipid naman akong ngumiti dito para naman hindi ako maging bastos sa kanilang harapan.
“Siya si Captain Robles, at isa rin siyang sniper.” Turo naman nito sa lalaking nasa may nakaupo at may hawak rin na m16 raffle, tumango ito sa akin at saka ngumiti at nakikita kong magaling ito lalo na kung paano nito hawakan ang isang baril.
“Yang nasa kanan mo naman ay si Lieutenant Miller, s’ya nga pala ang pikon dito sa grupo kaya h’wag kang gaanong magbibiro sa kanya dahil nagiging totoo pagdating sa kanya, at higit sa lahat h’wag mo s’yang tatawagin sa mga private place o pinaririnig sa iba na isa s’yang police lalo na kung nakasuot siya ng civilian na damit, mag-ingat ka rin sa isang yan dahil sobrang higpit n’yan humawak ng isang mission.” Turo nito sa lalaking mukhang Chinese pero makikita pa rin sa aura nito ang pagiging pinoy.
“At si Captain Moral, siya naman ang magiging driver natin. Sa totoo lang sa aming lahat dito ay siya lang ang magaling mag drive lalo na kung habulan ang magiging labanan.
“At yang nagsasabi sayo na ayaw ka n’yang maging pabigat sa grupo ay si Colonel Martin, siya dapat ang tean leader ng grupong ito ngun’t ayaw niya kaya wala akong choice kung di ang sundin nito. Mabait yan sadyang ayaw n’ya lang talaga nagkakaroon ng mga problema lalo na kung ikaw ang magiging dahilan ng hindi pagiging successful ng aming mission. Kaya naman hayaan mo lang siya sa kung ano ang nais n’yang sabihin dahil iyon ang way niya para mag-ingat ka.” Mahabang salita nito na ikinasama ni Colonel Martin. Muli kong pinagmasdan ang grupo at wala akong makitang kalaban sa isa man sa kanila sadyang mga seryoso lang talaga sila sa kanilang mga trabaho pero hindi pa rin ako magiging komportable sa kung ano lang ang nakikita ng aking mata, dahil maaaring ito rin ang magpahamak sa akin pagdating ng araw.