-Bella- Ngayong alam ko na rin ang lahat ay magagawa ko na ring kumilos ng hindi nalalaman ng aking magiging kalaban. Titiyakin kong mapupunta sa kamay ko ang tangumpay na matagal ko na rin nakuha. Saka ko na rin babalikan si Kuya Enzo dahil sa ginawa nitong pagtulong dati kay Colonel Martin, kailangan ko rin alamin kung bakit iyon ginawa ni Kuya. Kilala ko ang kapatid kong hindi iyon gagawa ng isang bagay lalo na kung wala naman s'ya mapapala sa taong gusto nitong tulungan, kaya naman sigurado akong may dahilan ito una pa lang at iyon ang tatanungin ko dito oras na matapos ko ang lahat ng ito. “Boss Madam, nasa napasok na rin namin ang ilang hide out ni Konochie at tulad ng utos mo wala kaming tinira ng sa ganoon ay magsimula na s’yang matakot. Nag-iwan na rin kmai ng bakas na maaaring

