NOSGEL'S POINT OF VIEW
Biglang nagpa-meeting si Aethan.
Mandatory. Whole department. Dress code: “Business modest.”
Hindi ko pa alam ang ibig sabihin ng “business modest” pero si Jilly ay nagsuot ng turtleneck na parang may winter sa Pilipinas at may dala pang rosary bracelet. Si Benjo? Mukha siyang altar boy.
Ako?
Well, suot ko ‘yung red blouse na accidentally medyo may cleavage at fitted slacks na hindi ko na napalitan dahil late na ako nagising. Tapos nagkamali pa ako ng paglalagay ng lipstick kaya mas matingkad siya kaysa sa dati. Honestly, wala akong idea na ito pala ang magiging pinaka-reveal-all na araw ng buhay ko.
Pagpasok ko sa conference room, parang ako agad ang target ng tingin ng lahat.
Si Eloisa, nakakunot na ang noo. Si Benjo, nag-shake ng head subtly. Si Jilly, hawak na ang tissue as if may mangyayaring emotional breakdown.
“Ano’ng meron?” tanong ko habang nauupo.
Jilly leaned in. “Sis... the meeting is about temptation.”
“Anong...?” Pero hindi ko na natuloy ang tanong ko.
Pumasok si Aethan.
In full white barong. With a cross pin sa collar. At may hawak na index cards na parang ready siyang mag-lecture. At siyempre, kasama ang Bible sa kilikili niya na parang thesis project.
“Thank you all for being here,” panimula niya habang nakatayo sa harap ng projector screen. “Today’s topic is something that touches our daily lives... especially in the workplace. Temptation.”
Nagkaroon ng collective gulp.
He clicked the remote, and boom may slide na biglang lumabas sa screen:
“TEMPTATION IN THE WORKPLACE: Recognizing, Resisting, and Rising Above”
I swear, gusto kong lumabas.
“Sa buhay natin, madalas tayong sinusubok,” tuloy niya. “Hindi lang sa disiplina sa trabaho. Hindi lang sa moralidad. Pero sa pagnanasa. Sa mga alok ng mundo na akala natin ay okay lang... pero unti-unting kumakain sa kaluluwa.”
Then he looked straight at me.
As in direct eye contact.
Hindi lang basta tingin—yung tipong stare of spiritual concern.
“Let’s begin with a real-life scenario,” he said, turning to the crowd. “Something... close to our hearts.”
Ako na ‘to. Ramdam ko na.
“Example #1: Visual Temptation.”
He gestured with his hand. “For instance... someone comes to work na suot ang kulay pula. A color of passion, of fire, of... distraction.”
Oh. My. Holy. Cup noodles.
“Tapos,” tuloy niya habang unti-unting lumalapit sa side ng table kung saan ako nakaupo, “may konting... cleavage. At nakalagay ang buhok sa isang side lang ng balikat.”
Pinagpapawisan ako kahit may aircon.
“A temptation,” aniya, “hindi dahil sa masamang intensyon niya, kundi dahil sa kahinaan ng ating laman.”
Nag-react ang buong room. Si Eloisa, tumango na parang agree na agree. Si Jilly, sinabayan ng tawa at hikbi. Si Benjo, napayuko na lang at nag-murmur ng “Lord, help me.”
Nagtaas ako ng kamay.
“Question,” sabi ko, trying to keep my voice steady. “Hypothetical ba ‘yung example? Or... specific?”
Ngumiti si Aethan. “Hindi natin kailangang pangalanan ang mga ‘tukso’. Ang mahalaga, matuto tayong harapin ito.”
At doon na ako na-trigger.
“Wait lang,” sabi ko, tumayo na ako. “So dahil lang naka-red ako at may lipstick, temptation na agad? Hindi ko kasalanan na amnesiac ka tapos biglang nag-transform into... a holy influencer!”
Nagtinginan ang lahat. Si Jilly? Tinakpan ang mukha niya. Si Benjo? Naglabas ng rosary beads. Si Eloisa? Sumulat ng notes, probably for HR.
“Hindi kita sinisisi,” sagot ni Aethan. “Ikaw ay... test ng aking lakas. Ikaw ay apoy na sinusunog ang aking pagka-makasalanan.”
“Excuse me?” tumataas na ang tono ko. “I’m a working woman na gusto lang magka-sahod at hindi mabaon sa overtime. Wala akong balak maging supporting role sa spiritual awakening mo.”
“Pero Nosgel, ang presensya mo ay nagtutulak sa akin na... magdasal.”
“Then pray silently!”
Tumayo siya. “Kaya ko nga kayo pinatawag dahil lahat tayo ay vulnerable. Bawat isa ay may tukso sa paligid. Sa anyo ng pagkain, social media, o isang... matahimik ngunit mapang-akit na boses.”
“Vulnerable ka diyan!” sigaw ko.
“Ako ay tao lang.”
“Alam ko! Pero wag mo akong gawing live demo ng lust sa PowerPoint mo!”
Tumayo si Jilly sa gitna namin. “Time out! Time out! HR speaking!”
Lahat napalingon sa kanya.
“As HR assistant,” aniya habang naka-peace sign pa, “I believe this is now an emotionally charged discussion. At wala tayong company policy para sa moral seminar on office attire.”
Tumango si Benjo. “True. Wala ring budget for candles and banana bread every meeting.”
Tahimik si Aethan for a beat.
Then umupo siya muli.
“You’re right,” sabi niya. “Nadala ako ng emosyon. Pero hindi ba’t tayo’y narito upang magtulungan?”
Kinuha niya ang index cards niya at niligpit. Then he turned to me.
“I apologize, Nosgel. I did not mean to shame you. You are... simply a radiant test of virtue.”
Natawa ako. Hindi mapigilan. “So ngayon radiant na ako?”
“Sa spiritual na paraan.”
“Grabe. From ‘babe’ to ‘blessing.’ Iba ka talaga.”
Nagpalakpakan ang ilang staff. Hindi ko alam kung sarcastic o sincere.
Si Eloisa, umalis na lang nang hindi nagsasalita.
At ako?
Uupo na sana ulit pero Aethan suddenly knelt in front of me.
“I promise not to judge based on looks anymore. From now on... I shall see with the eyes of faith.”
Nag-freeze ang buong room.
Si Jilly? Kinagat ang fist niya para ‘di mapatili. Si Benjo? Kumakanta ng “Lead Me Lord” sa loob ng utak niya. Ako?
Napatingin ako sa kisame.
At ang naisip ko lang...
Bakit parang ako na ‘yung kailangang mag-confess ngayon?
This fake relationship?
Holy. Hot. Mess.