KABANATA 12

1159 Words
NOSGEL POINT OF VIEW Tuesday. 8:01 AM. Nagbukas ako ng email habang nakasandal pa sa upuan, hindi pa umiinit ang kape sa desk ko. May limang unread. Dalawa from Benjo, isa from Jilly, at ang pinakakakakakakainis: Subject: “Daily Grace with CEO Aethan 💌✝️” Putangina. “Good morning, Team Monteclaro! Today’s holy quote of the day: ‘Do everything in love.’ – 1 Corinthians 16:14. May we lead with compassion and humility. Let’s make this Tuesday meaningful. 🙏 –Aethan” Tumingin ako sa kisame. "Lord, kayo na po bahala sa 'kin." Wala pang 9 AM pero parang kailangan ko nang ikumpisal ‘yung iniisip ko. Na kung hindi ko siya sinabihan na boyfriend ko siya noong amnesiac siya, baka hindi kami nagkakaganito ngayon. Baka bumalik na siya sa pagiging boss from hell. Mas gusto ko pa ‘yun kaysa sa—sa... corporate Jesus era niya. “Hoy,” sabay pasok ni Jilly sa cubicle ko, bitbit ang donut at ang gossip of the day sa boses niya. “Nakabasa ka na ng gospel ni CEO?” “Please huwag mo ‘tong ituring na gospel.” “Kumalat ‘yan sa buong department,” tawa niya. “Seryoso. Si Ma’am Eloisa pinaprint pa ‘yung email at nilaminate. May pa-frame sa desk niya.” “Ang weird,” sagot ko, nilagok ang kape. “Noong bosszilla pa siya, ayaw na ayaw nila. Ngayon, parang converted na lahat.” “Well, mas gusto ‘to ng HR kaysa sa pasigaw-sigaw niyang dati. Peaceful. Prayerful. Papabless pa nga siya ng buong building next week, sabi ni Benjo.” “WHAT?” “True. Tinawagan si Father Carlos. May pa-exorcism-s***h-blessing na mangyayari sa Friday.” Napahampas ako ng noo. From micro-managing quarterly reports to micro-managing the state of everyone’s souls? This is it. This is our CEO now. Lumabas kami ni Jilly papuntang pantry. Sa hallway, nadaanan namin ang bulletin board na dati puro motivational quotes lang ang laman. Ngayon may nakadikit na verse na laminated at naka-font size 72: “Be still and know that I am God.” Sa tabi noon, may sign-up sheet. “Worship Wednesday Guest Sharing Slots.” Tangina may open mic night na para sa faith walk? Sa pantry, nandoon si Benjo, mukhang lutang habang iniinom ang kape. Napansin niyang lumapit kami. “Benjo, anong nangyayari?” tanong ko habang tinatanggal ang powder sugar ng donut. “Wala... um... good morning, and peace be with you.” “HUWAG MO KAMING PEACE BE WITH YOU, BENJO. Ano 'to, retreat?” Sumandal siya sa fridge at mahinang tumawa. “Ma’am... since the accident, ganito na talaga siya. Nagpapatugtog pa nga ng Christian lo-fi sa opisina. Ayaw na niya ng jazz. Sabi niya too worldly.” Christian. Lo-fi. WORLDLY. JAZZ. “Baka mamaya may mag-praise and worship session dito bigla,” singit ni Jilly. “Nangyari na. Kahapon, after lunch,” seryosong sagot ni Benjo. Napahawak ako sa donut. Gusto ko na siyang ihagis sa pader. “Diyos ko po,” napabulong ako. “Ma’am,” sabay tingin sa akin ni Benjo, “actually, you’re kinda the reason kung bakit mas lumalim daw ‘yung spiritual awakening niya.” “Excuse me?” “Yeah. Sabi niya, na-realize niya na if he’s being loved by someone like you—na matiyaga, supportive, and ‘radiant in righteousness’—maybe it’s a sign na he should walk the path of light.” NAPATAWA AKO. As in, baliw na tawa. Tinakpan ko na lang ang mukha ko. “Radiant? Putangina radiant?” tawa ko. “I once tripped him in the hallway with a clipboard. That’s not righteousness, that’s pettiness!” “Hindi niya maalala ‘yon, Ma’am,” ani Benjo. “Kaya sa utak niya, ikaw ‘yung symbol ng hope.” “Tangina this is so wrong it’s almost biblical.” Bumalik kami ni Jilly sa desk ko. Hindi pa ako nakaka-recover sa pag-atake ng banal na vibes, bigla na lang may system-wide Teams pop-up: “CEO Aethan V. Monteclaro has scheduled a Morning Prayer Session at 9:30 AM.” May G-cal invite. Mandatory attendance. “OH MY GOD,” sigaw ko. “Exactly,” sagot ni Jilly. Nasa session room kami five minutes later. Ang mga upuan nakapabilog. May projector. Sa gitna, si Aethan. Nakasmile. May acoustic guitar sa gilid. Putangina may guitar. “Before we start,” bungad niya, “let’s take a minute of silence to center ourselves.” Tinry kong maging kalmado. Tumahimik ako. Umupo. Tinupi ko ang mga kamay ko parang nagdadasal. Pero sa utak ko? Nagwawala na ‘yung sarcastic inner voice ko. "Center myself? Saang axis? Sa core of hell?" Pagkatapos ng “centering,” nagsalita siya. “This company has always chased profit, efficiency, and prestige. But we forget to nurture our souls. So now, we will begin our Tuesdays with truth, Wednesdays with worship, and Fridays with faith.” Umubo si Eloisa. “Sir, Thursday?” “Thursday is for thanksgiving. Appreciating blessings.” Kumurap ako. “Isang buong linggo ng seminarian horror corporate edition?!" “Now,” tumayo siya at tinutok ang remote sa projector. Lumabas ang slide one: a verse in script font with pastel background. “Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord.” – Colossians 3:23 Nag-explain siya. Passionately. May hand gestures. Akala mo TED Talk, pero kung si Jesus ang speaker. At ako? Ako 'yung antichrist sa dress. Pagkatapos ng 40 minutes, nag-picture pa kami. May caption: #FaithAtWork #MonteclaroMinistryMonday kahit Tuesday. Pagbalik ko sa desk, si Jilly naghihintay. “Okay, girl,” seryoso niyang bungad. “We have a problem.” “Ano pa? Maliban sa halata nang hindi totoo ang fake relationship namin? Or the fact na baka i-baptize niya tayo sa next meeting?” “No. HR’s getting confused.” “About?” “About you two. May nagtatanong na if dapat bang mag-organize ng pre-marital spiritual counseling para sa inyo.” Bumuka ang bibig ko. Walang lumabas. “Also, may nagsabi na baka ‘testimony’ raw ang love story niyo.” Napatitig ako sa monitor. Nagsend ulit si Aethan ng email: Subject: “God’s Plan and Our Business Plans” Bago ko pa nabasa ang contents, isinara ko ang laptop. “Jilly.” “Hmm?” “May naisip ako.” “Please huwag mo akong idamay kung illegal.” “Hindi. Pero... kung gusto niyang maging banal…” “Okay…” “Then let’s see how far he can take it. Let’s tempt the temptation out of him.” Napanganga si Jilly. “You’re gonna fight the faith with flesh?” “Exactly. Kung hindi niya kayang ma-in love sa akin habang may amnesia siya... then baka... ma-fall siya habang sinusubukan niyang iwasan ako.” Tumango si Jilly. “So what’s the plan?” Ngumiti ako. “Sis, let’s go to mass... in a halter dress.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD