Habol habol nina Wyatt at Carter ang kanilang mga hininga at pagod na pagod na napasandal sa isang puno. Hindi nila alam kung gaano na sila katagal na tumatakbo. Basta ang tanging naiisip na lang nila sa oras na ito ay makatakas at mailigtas ang kani-kanilang buhay. "Haaa... Haaaa.... Haa..." "D-Damn it!" asar na bulalas pa ni Wyatt at bahagyang sinuntok ang punong sinasandalan, "W-We almost died earlier!" Nanlulumo na napapahid ng kanyang pawisang mukha si Carter saka maalertong inilibot ang tingin. Natatakot siya na baka biglang sumulpot na lang doon ang ahas na humabol sa kanila. Laking pagpapasalamat na lang nila na nakalayo sila mula sa halimaw na ahas na iyon. Nakatakas lang naman sila dahil sa nabaling ang atensyon ng ahas at nagsilbing sakripisyo ang mga kasamang gabay. "W-Wh

