"How much time we wasted in waiting here!" asar na asar na reklamo ni Wyatt habang palabas sila sa kinalalagyan na hotel dahil sa halos na dalawang linggo na isolation na pinagawa sa kanila. "Just calm down, Wyatt. You are scaring the Filipinos who will come after us," pagpapahinahon naman ni Carter sa kanyang kasama, "They will be even more suspicious of our motive here." Pero padabog na naghalukipkip lang ng kanyang braso si Wyatt at sinamaan ng tingin si Carter. Sila kasi ang pinagkatiwalaan at inutusan ni Finnegan na magtungo rito sa Pilipinas para sa isang misyon na hanapan ng problema ang kanilang sistema. Sa ganoon ay unti unti nila mapapabagsak ang bansang na may pinakamahirap na pakisamahan na lider. Dahil sa mata ni Finnegan ay isang threat ang bansang ito. Dahil ramdam niy

