Namutla ang buong mukha ni Doktor Thiago nang mapagtanto na naroon pala ang lahat sa kanyang laboratoryo. Lahat sila ngayon ay nakatitig sa kanya ng punung puno ng pagkasuklam. Sinubukan niyang muli na kumakawala sa mahigpit na hawak ni Doktor Mark bago nagmamakaawa na tumingin kay Dr. Cisco. Ilang taon siya nagtrabaho sa ilalim ng pinunong doktor kaya umaasa siya na mapabibigyan siya nito ng pagkakataon. Alam na alam niya rin na may malaki na pagtingin at respeto si Dr. Cisco sa kanya. Kaya kung kakailanganin nila ng doktor para magtagumpay ang proyekto ay kakailangan nila ang tulong niya. Iyon na lang ang makakapitan niya para makatakas sa kinalaladsakan na sitwasyon. "D-Dr. Cisco..." hindi malaman na pagpapaliwanag ni Doktor Thiago sa kanilang pinuno, "L-Let me explain... I-Ipapaliwa

