Ilang minuto ang lumipas nang unti unti dumating ang mga doktor na ipinatawag para sa isasagawa muling pagpupulong. Kaya sa labas pa lang ay maririnig na ang mga bulungan at usapan ng mga doktor sa loob ng kwartong iyon. Lahat sila ay nag-uusap usap para hulaan kung para saan ang pagpapatawag na iyon. Hanggang sa matahimik sila nang pumasok sa kwartong iyon si Dr. Cisco na agarang umupo sa pinakadulo ng kanilang mahabang mesa. "M-Magandang araw po sa inyo, Dr. Cisco," kinakabahan pang bati ng mga doktor sa kanilang pinuno. Doon ay seryosong nag-angat ito ng tingin saka inilibot niya ang tingin sa kanilang lahat. Kailangan niya kasi ipaalam sa mga kasamahan ang problemang kinakaharap ng Pilipinas. Pero agarang napakunot siya ng noo nang mapansin na kulang pa ang nasa loob ng kwarto. Nah

