Pagkatapos ko na mapatay ang mga doktor ng facility ay namayani ang mahabang katahimikan sa buong paligid. Dati ay labis ang pagka-konsensiya ko nang makapatay ako ng tao dahil na rin sa aking tinataglay na abilidad. Pero sa ngayon ay tila wala na lang ito. Tila tuloy naging kaakibat ng aming abilidad ang pagpaslang sa mga aming makakalaban. Iyon ay ang mga taong makakasalanan sa kalupaan. Kaya lang kahit wala na ang mga taong nagpahirap sa akin o sa amin sa loob ng facility na ito ay hindi pa rin gumagaan ang aking pakiramdam. Nakakapagtaka lang na hindi ako ma-kampante sa pagkamatay nila. Pakiramdam ko ay tila hindi matatapos sa ganito ang labanan na ito. Na may mga malalaking tao pa kami na dapat pabagsakin. Napatingala ako sa itaas dahil sa ibinigay niya sa aming misyon na lipuli

