Abala ang mga doktor sa kanilang isinasagawang pag-aaral nang biglang malakas na bumukas ang pinto at pumasok sa laboratoryo ang galit na galit na si Shiva. "Anong ginagawa mo rito?" taas noong pagtatanong naman ni Doktor Michael habang nakahalukipkip pa ang braso at mariin na tinitigan ang sadistang doktor. Ngunit kaysa sumagot ay padabog na nagmartsa ito paloob ng kanilang laboratoryo at sinuyod ang bawat sulok nito. Binalabag din nito ang mga bagay na nakaharang sa kanyang daanan. Wala siyang pakialam kung makapanira siya. Ang mahalaga ay makuha niya ang nais niya sa loob ng laboratoryo na iyon. "Teka! Tumigil ka! Ano ba ang ginagawa mo?!" lakas loob na pagharang ni Doktor Jace kay Shiva, "Alam mo ba na malaking pang-aabala ang ginagawa mo sa amin! Kasalukuyan kami na nasa kalagitn

