Umalingawngaw sa buong laboratoryo ang nasasaktang hiyaw ng mga kapwa naming survivor. Kaya may ilan sa amin ang mga natakot at sinubukan na tumakas pero agaran din sila hinarangan ng mga gwardiya sa nag-iisang daan palabas. "Bumalik kayo sa gitna ngayon din!" malakas na bulyaw sa kanila ng mga gwardiya. "No, no, no! Palabasin niyo kami rito!" pagwawala ng isa sa mga survivor dahil sa labis na takot. "Please... Pakawalan niyo na kami!" umiiyak na pagsusumamo pa ng iba sa mga gwardiya, "Maawa kayo sa amin!" Ngunit hindi nila pinakinggan ang mga pagsusumamo ng mga survivor at sa halip ay marahas pa sila na itinulak ng mga gwardiya pabalik sa sentro ng laboratoryo. Kaya muling natipon kaming natitirang survivor habang nakapalibot sa amin ang mga pinahihirapan na kapwa naming survivor. Ma

