Nang matapos ang malakas na pagsabog ay unti unting kumalat sa aking paligid ang pamilyar na makakapal at matutulis na yelo na siyang tila pumoprotekta sa akin mula sa aking mga kaaway na gustong manakit sa akin. Namamangha na kinapa ko ang yelo na nanggaling sa akin pero hindi man lang ako nakaramdam ng anumang lamig mula rito. "Guh! *cough* *cough* *cough*" nahihirapang bulalas ko saka napaubo ng ilang beses. Agarang nanginig ang aking mga kamay nang mapansin na nagkaroon ng bahid ng dugo ito. Ito ay nagmula sa aking pag-ubo kanina. "W-What... the... hell..." takot na takot ko pang bulalas sa malubhang kondisyon ngayon ng aking katawan. Hanggang sa biglang nanghina ang mga tuhod ko at unti unti napaluhod doon. "Aaargggh!" nasasaktang bulalas ko pa at napahawak sa aking naninikip na d

