Sabay sabay kami napabuga ng malalim na hininga nang mapagtanto na nakaligtas kami sa masamang sitwasyon. Mabuti na lang talaga ay naisip agad iyon ni Doktor Thiago. Wala kami mapapala kung patuloy kami magmamatigas sa oras na iyon. Dahil kapag tumanggi kami ay panigurado na kami rin ang mahihirapan sa huli. Katulad nga ng sabi ni Doktor Mark, wala kaming choice dahil mga alipin lang kami ng facility. "Talaga bang magsasanay tayong lahat para maging kasapi sa hukbong ginagawa nila?" tanong ni Isla na punung puno ng pagtutol, "Susunod na lang ba tayo sa nais nilang gawin sa atin?" Pasimpleng napatingin ako sa katabi kong si Doktor Thiago. Inaantay ko kung may opinyon siya sa bagay na iyon. Ngunit nakahawak lang ito sa kanyang baba na tila malalim na nag-iisip. Tinitimbang niya sa kanyan

