Agarang itinabi ni Doktora Andrea ang mga gamit niya nang marinig ang muling pagbubukas ng pinto. Akala niya ay nandito na naman ang inutusan ni Doktor Mark para kumbinsihin siyang bumalik sa pagtra-trabaho sa facility. Ngunit nang makita niya ang matingkad na pulang buhok ay nalaman niya na pinabalik din nang maaga si Flare na sinundo nila kani-kanina lang. Iyon nga lang ay agarang napataas siya ng kilay ng makita na nakabusangot ang mukha ng binata. Halatang hindi naging maganda ang kinalabasan ng paglabas nito sa kanilang kwarto. "O? Anong nangyari sa iyo riyan?" hindi niya napigilang pagtatanong nang masiguro niya na dalawa na lang sila na naroroon. Pabagsak naman na naupo sa ibabaw ng kanyang higaan si Flare. Matalim ang tingin niya sa pader na akala mo naroroon ang sinuman na nak

