Katulad ng aming ginawa kahapon ay nagtungo kami sa construction site para ipagpatuloy ang mano manong paghuhukay doon. Agaran na humugot pa ako ng malalim na hininga bago harapin ang panibagong kalbaryo kong ito ngayong araw. Dahil alam ko na hindi magiging madali para sa akin ang araw na ito. Alam ko na hindi mananahimik ang mga miyembro ng wind at earth type. Kaya pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa site ay ramdam ko na ako ang sentro ng atensyon ng lahat. Para tuloy ako na isang sikat na artista na kanina pa na inaantay ng aking mga tagahanga. Pero kabaliktaran nito ng totoo kong sitwasyon. Tinitignan nila ako para makahanap ng paraan para makaganti sa akin. Malakas na napabuga naman ako ng hininga. Hindi kasi ako sanay na may ganitong karaming tao ang may labis na galit sa ak

