"Eh?! I-Ikatlong sintomas...?" pag-ulit pa nina Flare at Devon saka malalim na napaisip. Nahihiyang napakamot ako ng aking batok. "Well, kahit nga ako ay hindi makapaniwala sa malaking ibinago ng katawan ko nang mangyari iyon. Katulad nga ng sabi ni Flare medyo pang-dalagita ang dati kong pangangatawan. Siguro mas matangkad lang ako noon kay Sophia," pag-alala ko sa araw na makita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. Napagkamalan ko pa nga na isa akong pokemon na nag-evolve dahil sa isang stone. Ngayon ay hindi na tuloy nakakapagtaka kaya hindi ako nakilala man lang ni Flare. "R-Really?" manghang mangha na bulalas ni Isla sa ipinaalam ko na iyon, "W-Wow! Mukhang malaki pa pala ang naitulong sa iyo ng virus. Look at you now." "Ang ikatlong sintomas ay iyong naranasan natin na p**

