Malakas at galit na galit na inihampas ni Dax ang mga kamay niya sa ibabaw ng mesa. Napakaraming problema na kinakaharap ngayon ng kanilang bansa. Pagkatapos ay kabi-kabila ang ginagawang pagbabatikos sa kanya ng mga mamamayan. Kaunting kaunti na lang ay gusto na niya sumuko sa responsibilidad niyang ito at bumababa sa kanyang posisyon bilang presidente. Ngunit alam niya na iyon lang ang inaantay ni Finnegan. Kaya hanggang kakayanin niya ay kailangan niya kumapit sa kanyang pwesto. Kahit halos isuka na siya ng mga mamamayan ng Pilipinas. Kailangan niya isakripisyo ang sarili niyang imahe, mapigilan lang si Finnegan sa binabalak na pagsakop ng kanilang bansa. Malaking malaki na pagkakamali nila na nakipag-alyansa kay Finnegan. Ngayon ay kailangan nila sumunod sa mga nais niya para lang

