Nataranta ang mga tauhan ng facility dahil sa biglaang pagbabalik ni Shiva roon. Mas nakapangamba pa sa kanila ay ang diretso at matalim ang tingin nito sa daan na tila ba may nakaaway mula sa labas. Natatakot tuloy sila na mapagbalingan ng galit nito kaya agarang lumilihis sila sa daan para hindi makasalubong ang bad trip na doktor. Ang dahilan naman ng kanyang pagka-bad trip ay si Finnegan. Ilang beses niya kasi sinubukan na kontakin ang kanyang tinuturing na pinuno para paliwanagin ito sa ginawa nitong panlalaglag sa kanila sa ginanap na pulong. Hindi niya matanggap na ginawa ito ng kanyang tinuturing na pinuno kahit alam niya na maaari na mapahamak din siya ng dahil dito. Sa sobrang pagkaasar ni Shiva at malakas na naisuntok pa niya ang kamao sa pader. "f**k, f**k, f**k!" sunud suno

