Sa pagdaan ng dalawang araw ay palaging nagsasama sama ang lahat ng mga survivor sa gitna ng training room. Ito ay nangyayari sa tuwing oras ng kanilang break. Bumibilog sila paupo roon at magkakaharap sa bawat isa. Sinigurado rin nila na magiging mahina ang kanilang pag-uusap at hindi makikita sa anumang CCTV ang kanilang mga kahina-hinalang ginagawa. Ang buong akala naman ng mga gwardiya na siyang nagbabantay sa kanila roon ay ginagawa lamang nila ito para magtulungan sa kani-kanilang ginagawang pagsasanay. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin sila inuunlad sa paggamit ng kanilang kanya kanyang abilidad. Kaya ang tingin nila ay mga desperado na ang mga ito para mapili bilang miyembro ng espesyal na hukbo na bubuuin nila. Iyon ay dahil kalayaan lang naman nila ang ipinangako na kapalit

