Kinabukasan ay muling dinala ng mga gwardiya ang mga survivor sa loob ng training room. Nandoon sila para ipagpatuloy ang naudlot na pagsasanay para kontrolin ang kani-kanilang mga abilidad. Iyon kasi ang agarang ibinigay na kautusan ng kanilang presidente na si Dax. Kailangan nila pagtuunan ng pansin ang bagong proyekto na ito. Praning na kung praning. Dahil sa kasalukuyan na sitwasyon ay napakalaki ang iniwan na problema sa pagka-diskubre ng bagong variant ng EVOL virus sa kanilang bansa. Kaya hindi na nakakapagtaka na naging mas pursigido si Dax na makabuo ng espesyal na hukbo. Ito na lang kasi ang natitira nilang paraan para makabangon muli sa kinalaladsakan na sitwasyon. Pagkatapos kasi ng ginawang pulong ay may ilang bansa ang agaran na pinutol ang koneksyon sa kanilang bansa sa

