"Aaaaaaaah!" "Nooooo! Heeeeeelp meee!" "Arggggh! It hurts! It hurts!" "Stop, stop, stop! No more!" "Aaaaah! I don't want this anymore! Please stop it!" "Please anyone save me! Urggh!" Umalingawngaw ang mga malalakas at nasasaktang hiyaw ng mga survivor na naging biktima sa isang malawak na laboratoryo. Lahat sila ay mariin na nakakapit sa kanilang ulunan habang namimilipit sa labis na sakit. Kulang na lang yata ay bunutin nila ang kanilang mga buhok mula sa kanilang anit. Iyon ay dahil na rin sa tindi ng nararamdaman na sakit sa kanilang mga ulunan at bunbunan. Sa sobrang sakit ng kanilang mga ulo ay tila ba dinudurog ito ng paulit ulit. May ilan pa sa mga survivor na iyon ang napasuka sa sahig sa sobrang hindi pagkakaya ng sakit na iyon. Sa kabilang banda, kalmado naman na pinap

