Simula na ikulong si Laila ng kanyang ama sa isang saradong kwarto ay inabala niya ang kanyang sarili sa pag-iipon ng mga malalaking balita na may kinalaman sa EVOL virus. Magmula man ito sa iba't ibang dako ng mundo ay isinama niya ito sa kanyang mga kinolekta na mga balita. Pati na nga rin ang iba pang impormasyon na hindi napapatunayan tungkol sa virus ay hindi niya pinalampas. Kaya ganoon na lang ang sakit ng kanyang ulo nang isa isa niya sinusubukan na i-translate ang mga nakalap na nasa iba pang lengwahe. Ito na lang kasi ang naisip niyang maaaring gawin kaysa sayangin ang bawat araw niya roon sa kain at tulog na pamumuhay. Kaya para maging productive ang kanyang araw ay gumawa na lang siya ng kanyang sariling research tungkol sa EVOL virus. Nagbabaka sakali lamang siya na may mat

