*Kinagabihan bago ang araw ng pag-aalsa...* "GRAAAAAAAAAAAAAAAAAAAWWWRRRRR!" "KKKKKKKRRRRRRRRRRKKKKKKKK!" "SSSSSWWWWWWHHHHHHHHHSSSS!" "GRRRRRRRRRRRRRRRR!" Biglang nagising ang bawat tao na nasa loob ng facility dahil sa mala-halimaw na ungol na iyon ng mga hayop sa kalagitnaan ng gabu. Sa sobrang lakas ng mga ungol na iyon ay dumagundong ito sa bawat sulok ng facility. Na naging sanhi ng malakas na paglindol. Sa hindi pa malaman na dahilan ay biglang nakaramdam ng kakaibang kilabot ang bawat tauhan ng facility. Kaya hindi na nakakapagtaka na mga nagkagulo ang mga ito para hanapin ang pinagmulan ng mga ingay na iyon. "A-Ano kaya iyon?" nalilitong tanong nila sa bawat isa habang maalertong tumitingin sa kanilang paligid. Karamihan pa sa kanila ay kumuha ng kani-kanilang armas para ih

