"Pusta ko sa inyo patay na iyon," siguradong sambit ng isang gwardiya kina Devon at Ace, "Kaya kung ako sa inyo ay lumalayo layo na kayo sa nababaliw niyong amo. Paniwalang paniwala pa rin kasi siya na makukuha niya ng buhay doon ang dalagang survivor. Ha! Napaka-imposible na mangyari 'nun 'no!" Mahigpit na napakuyom ng kanyang kamao si Devon. Gusto niyang awayin ang nagsabi na patay na si Vana at ipagsigawan na buhay pa ang kanilang kasamahan. Na magagawa pa nila iligtas ito sa loob ng laboratoryo na iyon sa mga susunod na araw. Kaya bago pa makatayo sa kinauupuan niya si Devon at sugurin ang kaharap na gwardiya ay palihim na hinawakan siya sa braso ni Ace para agarang pigilan siya sa binabalak. Hindi kasi sila pwede magsalita ng bagay na magbibigay suspetya sa kanilang identidad. Lalo

