Mga dalawang oras na rin ang lumipas mula nang umalis sina Devon at Ace sa kanilang kwarto. Kaya labis na nangamba ang mga kasamahan ng dalawang binata sa takot na mga nahuli sila habang isinasagawa ang ibinigay nilang misyon sa mga ito. "N-Nasaan na ba ang dalawang iyon?" kinakabahang tanong ni Isla, "Bakit hindi pa rin sila bumabalik dito?" "Hindi kaya nahuli sila na nagpapanggap bilang mga gwardiya?" natatakot naman hinuha ni Teddy, "Paano na?!" Nagpabalik balik naman ng lakad si Tatay Col. Halatang hindi rin siya mapirmi hanggang hindi nakakabalik ang dalawang kasamahan. "Dapat siguro ay ako ang sumama kay Devon," nagsisising bulalas pa ni Tatay Col, "Nakalimutan natin na laging nadadamay sa gulo itong si Ace." "Ano ang gagawin natin kapag hindi pa rin nakabalik ang mga iyon sa l

