Habang sama sama na nilalakbay nina Flare ang mahabang hallway ay napansin nila na napakatahimik ng paligid na siyang labis na nakakapagtaka. Ilang minuto na rin ang lumipas mula na makapasok sila sa kinaroroonan ng mga laboratoryo pero niisa na kalaban ay walang humarang sa kanila. Lalo na mga alam nila na tinuturing sila ngayon na mga mababangis na halimaw na biglang nakawala sa kanilang mga kulungan. Kaya inaasahan nila na may susubok muli na humarang sa kanilang daan para hindi nila magawang mailigtas ang kasamahan nilang sina Myles at Vana. Ngunit kataka taka na wala ang niisa na presensiya ng mga doktor o ni Shiva sa kanilang paligid. Tumigil na rin ang mga kakaibang ingay kanina pati na rin ang sunud sunod na pagyanig ng buong facility. Kaya hindi nila maiwasang matakot sa dahil

