Nang makalabas sina Teddy mula sa loob ng laboratoryo ay agarang napadako ang tingin ng mga nag-aantay na survivor sa buhat buhat niyang dalaga. Sabay sabay na nagpakawala pa sila ng malalim na hininga dahil sa matagumpay na nailigtas nila si Vana mula sa pagkakakulong roon. Ngayon ay nakumpleto na rin silang lahat. "Ate Vana!" masayang masaya na pagbungad naman ni Sophia at dali dali na lumapit kay Teddy para matignan nang malapitan si Vana. Ngunit biglang kinabahan ang bata ice-type nang makita na nakapikit ang mga mata ni Vana. Kapansin pansin din kasi na naging mas maputi ang balat ngayon ni Vana kumpara sa dati. Pati nga ang kulay na bughaw ng buhok niya ay medyo nag-lighten. At napakalaki ng pinagbago ng pisikal na anyo ngayon ni Vana. Mas gumanda na siya ngayon. Isang kagandah

