Katulad ng inaasahan nina Flare ay nahati sa dalawang faction ang facility. Ito ay ang mga sumusuporta kay Shiva at mga sumusuporta sa mga doktor ng facility. Walang sinuman sa kanila ang may balak na mag-backdown ngayon. Lalo na kumalat ang balita na hindi na backer ni Shiva si Finnegan. Narinig kasi ng mga doktor ang ginawang panlalaglag ni Finnegan sa kanilang presidente kahit naroroon pa si Shiva. Kaya nais nila kunin ang pagkakataon na ito para pababain mula sa posisyon niya si Shiva. Gayun pa man ay nais ipakita ni Shiva sa kanila na kahit ganoon ang nangyari ay may kakayahan pa rin siya na manatili sa posisyon na mayroon siya ngayon. Dahil na rin sa kanilang namuong alitan sa pagitan ng dalawang panig ay nagsimula na rin magkaroon ng kontrahan mula sa kanilang mga trabaho. Labi

