WARD 74

2389 Words

"H-Haaaa.... Haaaaa...." Agarang pinunasan ko ang namuong pawis sa aking noo bago nanghihina na napasalampak sa nyebe. Kanina pa ako sumusubok na gumawa ng bloke ng yelo sa aking kanang kamay pero wala man lang kahit katiting na lumalabas doon. Nakakapagtaka lang dahil wala naman akong suot na collar sa lugar na ito kaya malayang malaya dapat ako na nakakagamit ng aking abilidad. Pero anumang pagpilit ko ay hindi ko pa rin magawang kontrolin ang abilidad na mayroon ako. "Argggh! Bakit ganito? Bakit hindi ko magawang kontrolin ito?" asar na asar na bulalas ko saka nilingon ang parte ko na siyang nagtuturo at nagbabantay sa akin dito, "Baka naman may ginagawa ka kaya hindi ako makagawa kahit katiting na yelo man lang," walang tiwalang dagdag ko pa. Dismayado naman napabuga ito ng buntong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD