'La la la la~~~' 'Lala la~' Inaantok ako napamulat ng aking mga mata nang marinig na may malamyos na boses na kumakanta. Sa hindi malaman na dahilan ay tila dinuduyan ako nito. Pero gayun pa man, punung puno naman ang boses nito ng lungkot at pangungulila. Unti unti na bumibigat tuloy ang kalooban ko habang patuloy na pinapakinggan ito. Dahil dito, kinusot kusot ko ang aking mga mata saka inilibot ang tingin sa paligid para hanapin ang pinagmumulan ng boses na iyon. Napasinghap na lang ako na napag-alaman na napunta na naman ako sa lugar na natatakpan ng nyebe. Hindi ako maaaring magkamali. Katulad na katulad ito ng lugar na nasa panaginip ko noong magising ako pagkatapos na danasin ang ikaapat at ikalimang sintomas. "T-T-Teka... Ano ang ginagawa ko rito?" takang tanong ko pa sa aki

