Nagkagulo sa loob ng facility dahil na rin sa nangyaring problema sa laboratoryo ng mga doktor. Dahil sa pagkalat ng yelo rito na gawa ng nagwalang abilidad ni Vana ay wala niisa sa kanila ngayon ang makapasok rito. Ni hindi nga rin nila alam kung buhay pa ba ang dalagang survivor na nasa sentro ng laboratoryo na iyon. Idagdag pa sa kanilang problema ang sumisidhing galit ni Shiva dahil sa pangyayari na ito. Sabik na sabik pa naman ang sadistang doktor na makaharap muli si Vana pero nagkaroon na naman ng balakid sa kanyang daan. At dahil dito ay hindi man lang niya magawang pasukin ang laboratoryo anumang pagpumilit na gawin niya. "f**k, f**k, f**k!" sunud sunod at asar na asar na pagmumura pa ni Shiva pagkatapos ng ilang beses na sinubukan niya na sirain ang nakasaradong pinto na iyo

