"Sir Finnegan! Sir Finnegan! There is an emergency! Right now, we receive a lot of distress calls!" humahangos na pamamalita ng isang papalapit na gwardiya sa pinuno nila. Agarang napakunot naman ng noo si Finnegan sa sinasabi na iyon ng gwardiya. Kakalabas pa lang niya ng kanyang laboratoryo mula sa ilang araw na pagkukulong doon. Kaya kinukuha niya ang pagkakataon na ito para kumuha ng pahinga pero nasira lang ang plano niyang iyon dahil sa pagdating ng gwardiya. Asar na napahilot siya ng kanyang sintido. "Ditress calls? From what country?" walang interes na pagtatanong niya sa pag-aakala na nagmula lamang ang tawag na iyon sa iisang bansa. Hindi niya maitindihan kung bakit kailangan mataranta ng gwardiya na iyon sa isang distress call lang ng isang bansa. Hanggang sa maalala niya na

