"Waaaaaah!" "Urrrrghhh!" "Aaaaaah!" "Bwaaaaah!" Hiyawan ng mga gwardiya habang unti unti sila na nababalutan ng baging sa katawan gawa ng mga earth type. Pagkatapos ay binalutan naman sila ng yelo na gawa ng mga ice-type at dinurog naman ang katawan nila ng matutulis na hangin na gawa ng mga wind-type. Sa pagkakataon na ito ay nagtutulungan ang tatlong class sa pagkikipaglaban sa mga makakasalubong na tauhan ng facility. Pinapakita nila sa mga ito kung ano ang magagawa ng abilidad na mayroon silang lahat. Sa ganoon ay mailabas na rin nila ang labis na pagkamuhi nila sa pang-aapi na ginawa sa kanila ng mga ito. Kaya ang nangyari ay nagmukha lang mga piece ng domino ang mga kalaban nilang gwardiya dahil walang kahirap hirap na pinapatumba nila ang mga ito sa tuwing susubukan nila na h

