Chapter 1 HONEYMOON
“Pwede ba pa kiss?” bulong ko sa asawa kong si Jeff habang nakayapos ako sa likod niya. Abala siya sa pag aayos ng mga gamit namin.
Bagong kasal, kung kaya ay nananabik sa unang gabi na kami ay magkasama sa iisang kwarto.
Malayang-malaya na gawin ang lahat ng bagay maaring gawin ng mag-asawa.
“Saglit lang hon,” iyon naman ang sagot sa akin ng mahal na mahal kong asawa.
Sa apat na taon na kami ay mag boyfriend at girlfriend, ni minsan ay hindi kami nag check-in sa hotel.
Virgin pa naman ako, kaya hindi ako pumapayag sa tuwing yayayain niya na mag check-in lalo na kung nasa bakasyon ako galing Dubai.
Kung iisipin ko, ay halos tatlong beses lang kami nagkasabay na umuwi ng Pilipinas. Isa siyang seaman sa isang international shipping company.
Ako naman ay isang receptionist sa isang Fitness Gym doon sa Dubai.
Maganda ang istorya ng aming kabataan. Kung aking naaalala, crush ko na talaga siya. Hindi ko akalain na mapapasaakin talaga ang lalaking ito.
Mailap ang asawa ko kahit noon pa mang hindi pa kami kasal. Kahit ganoon ay alam kong mahal na mahal niya ako. Hinding- hindi niya nakakaligtaan na ako ay i-chat sa tuwing matatapos ang trabaho niya o hindi kaya ay sa paggising niya.
Malambing na malambing sa akin si Jeff noong hindi pa kami kasal. Madalas ay kasama niya ang mga crew mates niya sa barko para i-surprise ako sa mga monthsaries at anniversaries namin.
Madalas ay masarap ang mga niluluto niyang pagkain para sa mga kasama sa tuwing monthsary namin, kung kaya naman ay todo kung mag effort ang mga iyon kung may hinihiling na ipagawa si Jeff.
Isa siyang chef sa barko. All in one talaga ang asawa ko, magaling sa kusina.
Napaka thoughtful niya, lahat ng babae ay gustong-gusto ang lalaking tulad niya.
Pogi, ang tangos ng ilong, matangkad, malusog ang mga braso at napaka gentleman. Lahat na yata ng qualities na hanap ko sa isang lalaki ay nasa kaniya lang.
Ang swerte ko sa lalaking ito. Wala na akong hahanapin pang iba. Sure na sure na ako sa kaniya.
Habang minamasdan ko siya na nagtatanggal ng mga suot niya, mula sa bow tie, hanggang sa buttons ng polo niya, ay nakikita ko ang makikisig na muscles ng aking asawa. Yummy talaga.
Gustong gusto ko na siyang lambingin, pero bakit parang sobrang pagod niya? Mas nakakapagod ba ang maging groom kaysa maging bride?
Sabagay naman, may paluhod-luhod pang pinagawa ang host ng kasal namin. Iyong part na kailangan tanggalin ang garter sa legs ko, napatili ako doon, nasa legs pa naman ang kiliti ko.
Ganoon pala ang pakiramdam na ikaw na ang nasa gitna na chini-cheer ng mga kaibigan at asawa mo.
I’m sure nag enjoy silang lahat sa okasyong ito na aming pinagsaluhan.
Pumasok sa shower ang asawa ko. Naisip ko
matatagalan yata ang isang ito.
Pasukin ko na kaya? Baka pwede naman, first time ko siyang makikita na buong buo, at pwede ko na rin ipakita sa kaniya iyong buong ako.
I have preserved myself only for this one first night to be with him.
Kumatok ako sa pinto ng CR.
Tok tok! mahinang katok.
Mukhang hindi ito narinig ng asawa ko. Sinubukan ko ulit.
Tok tok.
"Hon?” sinabayan ko na nang tawag na malambing sa kaniyang pandinig.
“Hon saglit lang lalabas ako pagkatapos dito,” iyon ang narinig kong isinagot niya sa akin.
Nakapagtataka naman, mahilig ba mambitin ng moment ang asawa ko?
Kailangan ko talaga siguro maghintay. Balik na lang ako sa kama at doon ko na lang hintayin na lumabas siya ng banyo.
Mga limang minuto pa, ay wala pa din ito. Hindi pa din lumalabas. Nakita ko ang bote ng wine, may ice bucktet nga pala na ipinasok ang staff ng hotel na ipinasok ko sa refrigeratoe. Kinuha ko iyon.
Kumuha ng wine glass. Binuksan ko na ang bote ng wine. Ibinuhos sa glass ng dahan-dahan.
Tinikman ko, at ayos na ayos ang lasa. Uminom ako. Pagkatapos ay parang gusto ko ulit.
Hanggang sa naparami ang nainom ko, halos naubos ko ang laman ng bote.
Naku, hindi pa din lumalabas ng banyo ang asawa ko. Ang tagal talaga niya maligo.
Hilong-hilo na ako sa dami ng ininom ko.
Ano ba naman yan Lesley, parang hindi ka aabot sa honeymoon moment mo.
Muli ay bumalik ako sa pinto ng banyo. Aba at bumubuhos pa din ang tubig mula sa shower. Naisip ko ng panahong iyon ay kung may susi ba ang hotel na para sa pinto ng CR.
Papasukin ko na lang ang asawa ko, ang tagal ko na naghihintay sa kaniya na lumabas mula doon.
Kinatok ko siya ulit.
Tok tok. Ang walang pwersang katok ko sa pintuan.
Sa wakas ay bumukas na ang pintuan.
“Honey.” ang sabi ko sa kaniya.
“Hon?” Hinawakan niya ako sa mga braso ko. Ang init ng mga kamay niya, marahil nag hot shower siya.
“Honey, first night natin together.” Lasing na lasing na pala ako noon.
“Wont you kiss me here?” nakanguso sa harap niya.
Tumawa ang asawa ko, hindi niya akalain na nalasing na agad ako ng kakahintay sa kaniya.
Inakay niya ako papuntang kama. Buong akala ko, iyon na talaga ang simula ng maalab na gabi sa kwartong malamig.
Inayos niya ang kama, at inihiga ako doon. Hinihimas niya ang buhok ko ng sobrang lambing.
Maya- maya ay tumayo siya. Naiisip ko, tanggalin na ba niya yun? Ang ibig kong sabihin ang aking suot na damit.
Excited na sana ako.
Isang 30 year old virgin sa harap ng napakagwapong lalaking ito. Naghihintay ako na hawakan niya akong muli.
Mali pala ang akala ko, tumalikod siya at kumuha ng boxer shorts mula sa cabinet na pinaglagyan niya ng gamit namin. Inayos pa naman niya lahat ng nasa loob, tiniklop ng maayos dahil ang sabi niya, sayang kung malulukot lang ang mga damit namin. We will stay here for three nights.
Maya- maya ay nahiga na siya sa tabi ko.
“Ang dami ba ng ininom mo?” tanong niya sa akin.
Hilong hilo na talaga ako, di ko na kaya. Parang pipikit na ang mga mata ko.